^

PSN Showbiz

Rep. Em nakalampas sa kamatayan

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Rep. Em nakalampas  sa kamatayan
Rep. Em at baby

Rowell muntik araruhin ng van

PIK: Nakaw-eksena ang anak nina DPWH Secretary Mark Villar at Rep. Emmeline Villar na si Emma sa book launch ng Lupus, Kayang-Kaya Ko To! na ginanap sa Crowne Plaza Hotel nung nakaraang Miyerkules ng hapon.

Kahit nakakaabala ang bagets sa speech ni Rep. Emmeline, okay lang sa kanya dahil itong ginagawa niyang adbokasiya tungkol sa pagharap sa sakit na Lupus ay para raw sa kanyang anak.

Sinabihan kasi siya ng doktor niyang bawal siyang magkaanak dahil sa sakit niya. Maaring ikamatay niya kung itutuloy ang pagbubuntis. Pero kinaya niya ito at pinatunayan niyang mas mananaig ang pagtitiwala sa Diyos

“Ngayon may anak na ako, maling-mali siya sa sinabi niyang imposibleng magkaanak ako at ikamamatay ko ‘yun.

“Kung alam lang niya na dahil sa anak kong si Emma, hindi ko ikinamatay, kundi iyun ang nagbigay ng buhay sa akin.

“Ang anak kong si Emma, ang nagbigay lakas sa aking katawan at kalooban. Siya ang dahilan kung bakit nalag­pasan ko lahat na pinagdaanan ko sa buhay at patuloy kong pinagdaraanan.

“Alam n’yo na meron kayong pinaghugutan ng inspiras­yon, may pinaghugutan kayo ng lakas.

“Nandiyan pa ang ating Diyos na walang hangganan ang pag­mamahal at pagmamalasakit at awa sa atin,”madamdaming pahayag ni Rep. Villar.

Kaya marami ang nagsasabing dapat na gawin talaga sa MMK o Magpakailanman ang kuwento ni Rep. Emmeline Villar para makapagbigay ng inspirasyon sa lahat na may mga pinagdaanan lalo na sa may mga sakit na Lupus.

PAK: “A speeding van almost hit our President!” post ni Noel Ferrer sa kanyang Instagram account kamaka­lawa nang tanghali.

Si direk Rowell Santiago pala ang tinutukoy na gumaganap bilang presidente ng bansa sa Ang Probinsyano.

Nanghina si direk Ro­well dahil sa takot nang may rumaragasang van mula C5 papuntang Lanuza A­venue sa Pasig na kung saan nandun si direk Rowell na nakipagsiksikan sa traffic.

Mabuti at hindi naman tumama sa kanya, pero napagitnaan na siya ng concrete barrier at ang isang kotse.

Sabi nga ni direk Rowell, first time raw niyang naranasan ‘yun at nagpapasalamat siya dahil wala namang nangyari sa kanya.

Na-trap na nga lang sa traffic na wish lang daw niya nung oras na iyun, meron daw sanang higanteng kumuha ng kotse niya para ilipat sa kabilang lane.

Umabot naman ang actor/concert director sa meeting niya, pero parang tulala pa raw siya sa karanasang iyun.

BOOM: Nung nakaraang Huwebes, May 31 ang deadline ng submission of script na isasali sa Metro Manila Film Festival 2018.

Napag-alamang 24 scripts ang isinumite mula sa 22 producers.

Sa June 29 ia-announce kung alin ang apat na script na napili para gawin na ng producer dahil pasok na ito sa magic 8 ng MMFF 2018.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, tatlo pala ang isinumite ng Star Cinema; ang entry ni Vice Ganda na may working title daw na Fantastic Vice, ang isang horror movie na si Charo Santos ang bida, at isa pang project na si Maja Salvador naman ang bida.

Hindi nila isinumite ang Darna ni Liza Soberano na kinatatakutan na ng karamihang producers dahil matagal na nga itong inaabangan.

Baka sa finished films daw nila ito isusumite. Pero ewan ko lang dahil base sa mga nakaraang interviews ni direk Erik Matti, baka end of this year pa raw sila mag-resume ng shooting.

Magaganda naman daw ang line-up kaya tiyak na mahihirapan dito ang mga nasa screening committee.

Abangan na lang natin kung mga commercial movie projects ba ang unang pipiliin o babase talaga sila sa ganda ng kuwento.

Sa October naman daw pipiliin ang apat na fi­nished films para mabuo na ang walong entries sa MMFF 2018.

vuukle comment

EMMELINE VILLAR

MARK VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with