^

PSN Showbiz

Lalaking personalidad na umasenso, puring-puri sa kabaitan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi natupad sa ex ang kapalaran

Marunong pala sa buhay ang isang pamosong male personality na hinahangaan at tinitilian ng mga fans sa kanyang napiling larangan. Sikat siya sa kanyang hanay, bukod kasi sa magaling na siya ay guwapo pa, kaya ganu’n na lang kung tilian siya ng mga beki at kababaihan.

Mula sa isang malayong probinsiya ang male personality, lumuwas siya sa Maynila para sa kanyang pangarap na sumikat sa talentong meron siya, pinagbigyan naman siya ng kapalaran.

Kuwento ng aming source, “Nakilala siya sa linyang pinasukan niya, lalo pa siyang sumikat nu’ng ma-link ang pangalan niya sa isang sikat na female personality, talagang sumikat siya nang husto.

“Pero hindi naging maganda ang kinauwian ng relasyon nila, nagkahiwalay rin sila, hanggang sa magkani-kanya na sila ng buhay. Siyempre, sa paghihiwalay nila, e, naghati rin sila sa mga properties na meron sila.

“Hindi naman ang girl lang ang dahilan ng mga pinaghatian nila, masipag ang guy, malaki rin ang kinikita niya, kaya kuwentas klaras lang sila,”umpisang kuwento ng aming impormante.

Makapamilya ang male personality, ‘yun nga ang dahilan ng mga pagsasakripisyo niya, wala siyang hangad kundi ang mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang at kapatid niya.

Patuloy ng aming source, “‘Yung nakuha niyang parte, hindi niya ‘yun ginastos sa kung anu-anong granatsa lang niya. Ipinuhunan niya ‘yun sa negosyong alam ng family niya.

“Lumaki siya sa tabi ng dagat, pangingisda ang ikinabubuhay ng mga tagaroon, kaya namuhunan sa fishing ang guy. Maraming bangka ang ipinagawa niya, ang father niya ang namamahala sa business nila, marunong siya sa buhay.

“At hindi napunta sa wala ang ipinangpuhunan niya, lumalago ang negosyo nila, kaya masayang-masaya ang guy. At take note, matulungin siya, marami siyang natutulungan sa place nila.

“May mga nangungutang sa kanya na hindi niya ginigipit, wala siyang ipinapatong na tubo, kaya puring-puri siya ng mga kababayan natin.

“Yun na yun! Maganda ang image niya sa kanilang probinsiya, puring-puri siya du’n dahil mabait siya. Kabaligtaran ‘yun ng inaabot na bashing ng ex niya,”pagtatapos ng aming source.

Ubos!

 Sunshine at Ynez inakusahan ng pambu-bully sa batang bingi

Para namang nagkataon na parehong nasasangkot ngayon sa usapin ng pera ang dating mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz. Mas malaki lang ang iniaakusang halaga sa aktor, at salapi pa ng gobyerno ang kailangan nitong panagutan, si Sunshine naman ay nakakaladkad ngayon ang pangalan sa isang pribadong tansaksiyon.

Pinagbitiw ng pangulo sa posisyon si Cesar Montano, may nakahain pang asunto laban sa kanya, samantalang ang dati naman nitong misis ay kapalitan ngayon nang maaanghang na salita ng negosyanteng si Kathy Dupaya.

Matitindi ang akusasyon ng businesswoman laban kay Sunshine, lumalabas na wala siyang utang na loob sa dati niyang kaibigan na nag-akyat sa kanya nang milyones, madiing-madiin na “Inilaglag niya ako!” ang sigaw ng kababayan nating nagnenegosyo sa Brunei.

Napanood namin ang buong litanya ni Kathy Dupaya, ramdam na ramdan ang matinding sama ng loob nito kay Sunshine na hindi na raw nito itinuring na iba kundi kapamilya na, pero nakasilip kami ng mas makatwirang dahilan kung bakit galit na galit sa aktres ang negosyante.

May anak na hearing impaired (hindi ito nakakarinig) si Kathy Dupaya, nakakatanggap ito ng text messages mula kina Sunshine at Ynez Veneracion, ayon kay Kathy ay sinisiraan ito ng dalawang personalidad sa mismong anak nitong special child.

May punto naman du’n si Kathy, walang kinalaman ang kanyang anak sa anumang hindi nila pagkakaunawaan nang dahil lang sa pera nina Sunshine at Ynez, kaya wala silang karapatan na i-text ang special child para patunayan lang ang kanilang ipinaglalaban.

‘Yun, sa aming pakiramdam, ang talagang nagpahagulgol sa businesswoman habang nagbibigay ng kanyang panig tungkol sa kontrobersiya. Iba na nga naman kapag pati anak na walang kamalay-malay ang inaasinta ng mga kalaban.

“Mga nanay rin kayo! Paano kung sabihan ko rin ang mga anak n’yo na mga dating boldstars kayo? Hindi ba kayo masasaktan? Wala kayong utang na loob! Pagkatapos n’yong kumita sa akin, na-delay lang ako sa pagbabayad, ipina-media n’yo na ako?

“Ikaw, Sunshine Cruz! Wala kang kuwentang kaibigan! Inilaglag mo ako! Wala kang utang na loob!” pagtungayaw pa ni Kathy Dupaya tungkol sa aktres.

vuukle comment

MALE PERSONALITY

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with