^

PSN Showbiz

Ginawa nina Anne at Dong naka-P9 M sa first day

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ginawa nina Anne at Dong  naka-P9 M sa first day
Dingdon at Anne

Certified box office hit ang pelikulang Sid & Aya  (Not a Love Story) nina Anne Curtis and Dingdong Dantes.

Humataw ito sa takilya ng P9 million sa first day at inaasahang lalaki pa ang kita dahil sa magagandang reviews ng pelikula na nagbukas sa mga sinehan last Wednesday.

Iisa ang sinasabi ng mga nakapanood na, ito na ang best film so far nina Dingdong and Anne.

Hindi pilit ang kilig nila at bago ang approach sa kuwento.

Ang dami ring Pretty Woman moment ni Anne na swak sa kanya.

Nailabas nga ni Direk Irene Villamor ang kakaibang galing ng dalawa na first time nagtambal sa pelikula.

Winner din ang storyline at ang cinematography ng Sid & Aya.

Bibihira na ang Pinoy film na nakaka-9 million sa first day kaya naman thankful sina Anne and Dong. Sa isang ini-upload na artwork ng follower ni Anne, nagpasalamat ang actress sa mga nanonood at nagago/nadaya. “I die of cuteness! This time, @marlopnong’s own take on Sid & Aya. Ang galing ng artwork. Iba iba din ang interpretation kay Sid at Aya. Parang comments nyo sa movie. Iba iba ang feels na binibigay ng pelikula at kwento ni Direk @ayrin sa inyo. Alam kong madami sa inyo manonood mamaya. Kaya cge. Balitaan nyo na lang din ako kung na gago/daya namin kayo tulad ng mga nagwatch yesterday! Thank you po ulit! Sending 9 million kisses out to all of you!!!!!  #SidAyaNotALoveStory.”

After nito ay ang pelikulang Buy Bust naman ni Anne ang ipalalabas with Brandon Vera.

Nabili na ng Netflix ang Buy Bust pero naudlot ang pagsali sa Cannes Film Festival dahil balitang nagkaroon ng disagreements sa coverage ng showing ng pelikula.

Gagawan din daw ng pelikula sina Anne and Sarah Geronimo ng Viva Films.

JM tumanggi raw tumikim ng droga sa concert  ni Moira

Ka-join na si JM de Guzman sa kampanya ng Philippine National Police sa war against drugs.

At in all fairness, binigyan pa siya ng Excellence & Competence medal  ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na obviously ay bilang pagkilala sa ginawa niyang pagtalikod sa droga matapos ang dalawang beses na pagka-rehab.

At makikita sa kanyang IG post na kumanta pa siya sa event ng PNP para nga sa war against drugs event.

Nung isang araw lang ay pinatulan ni JM ang isa niyang follower na nagsabi dapat ay ipinato-tokhang na ang tulad niya.

Kung sabagay ayon sa isang source, talaga raw clean living na ang actor.

One time ay inalok diumano ito ng party drugs sa concert ni Moira, recently lang ito, kung saan nanood ang actor, pero tinanggihan daw ito ni JM. Yup, isang kakilala raw nito ang nag-alok pero umayaw na raw talaga ang aktor.

Good for him.

Halimaw nina Piolo at Shaina hindi sumalakay

Walang gaanong balita sa pelikulang  Ang Panahon ng Halimaw nina Piolo Pascual and Shaina Magdayao na dinirek ni Lav Diaz.

Iilang sinehan lang ang pinalabasan nito  since Wednesday dahil nga four hours ang running time tulad sa mga naunang obra ni Direk Brillante.

Marami nang napanalunang award ang pelikula sa iba’t ibang international film festival.

Agot natakot sa pambubuhos ng asido

Hindi pinalampas ni Agot Isidro ang pagbabanta ng isang netizen na sasabuyan siya ng asido sa mukha pag nakita siya. “malaman ko lang presscon mo pupunta talaga ako. I’ll make sure lapnos ang mukha mo sa asido,” mensahe ng isang obviously ay anti-Agot.

“Kailangan ba umabot tayo sa ganito?” sabi naman ni Agot.

Kaya naman agad itinag niya ang Philippine National Police na nag-reply din naman agad.

Kilalang matapang si Agot sa mga pahayag niya laban sa pamahalaan.

vuukle comment

ANNE CURTIS

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with