^

PSN Showbiz

Rita natuwa sa ginawa ni JM!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Rita natuwa sa ginawa ni JM!
Rita

Sa halip na magalit sa gumaganap ng role ng anak niya sa seryeng Araw Gabi, natuwa pa si Rita Avila matapos siyang kausapin ni JM de Guzman bago sila magsimula ng trabaho sa kanilang serye. Walang kagatul-gatol at walang kahiya-hiyang sinabi nito sa kanya na lubhang nababataan ito sa kanya para maging nanay niya. Kahit pa nang malaman nito na mahigit 50 na ang aktres.

Binibigyan kredito niya ang pagiging masaya ng marriage nila ni direk FM Reyes na umabot na ng 17 years kahit na hindi sila nabiyayaan ng anak.

Si Rita, bukod sa isang magaling na aktres ay isa ring magaling na manunulat ng libro para sa mga bata. Isa sa pinakahuling isinulat niya ay binabalak na gawing isang musical.

Marian masuwerte kay Dingdong

Napaka-swerte talaga ni Marian Rivera. Maganda ang kanyang marriage dahil isang napaka-mapagmahal na si Dingdong Dantes ang napangasawa niya na malingap na ama rin ni Baby Zia. Bonus na lamang ang pagiging mabuting tao nito na may puso sa kapwa na magagamit niyang panimula sa pagpasok niya ng pulitika. Mahusay din siyang artista at may talento pa rin sa ibang bahagi ng sining na ito, gaya ng pagpo-prodyus ng pelikula, at pagdidirek. Ididirek niya ang asawa sa isang anniversary presentation ng drama anthology na Tadhana na si Marian ang host.

Kira at Yves nasira ang mukha

Bibida sina Kira Balinger at Yves Flores bilang magkasintahan na sinubok ng isang aksidente mamayang gabi sa Maalaala Mo Kaya. Magkaiba man ng prayoridad sa buhay ay pinaglapit pa rin ng tadhana sina Grace (Kira) at Vhinez (Yves) nang na-discover sila ng isang lalaking nagpasok sa kanila sa mundo ng pagmomodelo. Tatlong buwan pa lang ang relasyon nila nang maaksidente ang kanilang sinasakyan at masira ang kanilang mga mukha.

Makakasama rin sa upcoming episode sina Irma Adlawan, Carlos Morales, Rochelle Barrameda, Fifth Pagotan, Kamille Filoteo at Avery Balasbas sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval at panulat ni Benson Logronio.

vuukle comment

RITA AVILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with