^

PSN Showbiz

Juday muntik atakihin sa 40th birthday!

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Juday muntik atakihin sa 40th birthday!

Barbie laging laging nag-iipon ng energy kaya napuri ni Direk Ricky

PIK: Deretsahang nagpaha­yag si Ricky Davao na si Barbie Forteza raw ang maituturing na model actress.

Kasama si direk Ricky sa bagong serye ng GMA Telebabad na Inday Will Always Love You na magsisimula na sa May 21.

Sa presscon nito kahapon, puring-puri ng actor/director ang Kapuso young actress, dahil wala raw siyang naririnig na reklamo mula kay Barbie kahit nahihirapan ito sa taping. Tahimik lang daw ito sa set, napaka-professional, at higit sa lahat, magaling.

Sabi pa ni direk Ricky; “I’ve worked with a lot of actresses, pero si Barbie sa age group niya ngayon, palagay ko siya ang dapat tularan ng mga gustong sumikat. She’s a model actress.”

Parang nahihiya pa si Barbie na sinagot ang mga papuri ni Ricky. Nagpapasalamat siya sa lahat na mga kasamahan niya sa IWALY lalo na ang mga veteran actors na katrabaho niya kagaya nina Nova Villa, Gladys Reyes, Tina Paner, Manilyn Reynes at si Ricky Davao.

Saad ni Barbie; “Hindi ko naman in-anticipate na kaya ko ginagawa yun para may masabi sila sa akin. Saka maniwala po kayo sa hindi, kaya ako tahimik sa set kasi kinu-conserve ko po ‘yung energy ko. Kasi nga 34 sequences kami in a day, ako po lahat yun. So, hangga’t kaya ko kinu-conserve ko po ang akin enerhiya, bilang si Happylou ay napaka-hyper na babae. Kaya kapag hindi po take, tahimik po ako.”

PAK: Matagal nang napapag-usapan ang masayang relasyon ni singer-actor sa isang aktor ding maraming negosyo.

Nakikita ‘yan sa nga Instagram posts nila minsan na magkakasama pala sila sa ilang bakasyon sa ibang bansa.

Lately ay hindi na sila nakikitang magkasama.

Hanggang sa may lumabas sa isang blog na meron na raw ibang ka-date si singer-actor.

Iyun pala, nakipaghiwalay na si actor-businessman sa kanya at tinapos raw ang kanilang relasyon.

Ayon sa tsika ng ilang nakakaalam sa kanilang relasyon, sobrang dinamdam daw ni singer-actor ang pakikipaghiwalay sa kanya ni actor-businessman. Pero siya naman pala ang nakipag-date agad sa iba.

Gusto lang daw ni singer-actor na makalimot sa masayang relasyon nila ni actor-businessman kaya date date na muna siya sa iba.

Sabi nga ng ibang bading, bakit hindi na lang mag-focus muna si singer-actor sa career niya kesa makipag-date sa kung kani-kaninong lalaki?

BOOM: Successful ang birthday surprise party na ibinigay kay Judy Ann Santos sa Bank Bar sa BGC nung isang gabi. 

Kuwento ni Gladys Reyes sa presscon ng Inday Will Always Love You, nag-text daw si Judy Ann sa kanya na hindi raw ito makakapunta sa first birthday party ng bunso niyang si Gavin dahil ayaw daw itong paalisin ni Ryan Agoncillo.

Siyempre, alam ni Gladys ang pa-surprise na iyun kaya hindi na lang daw niya sinagot.

Inimbitahan kasi ang lahat na mga close friends ni Judy Ann sa asalto sa kanya para salubungin ang kaarawan nito.

Si Ryan, kasama sina Mommy Carol, Jeffrey at Jackie Santos ang nag-ayos nito at talagang naitago nila ito kay Judy Ann.

Dumalo sina Malou Fagar, Deo Endrinal, Fr. Tito Caluag, Angelica Pa­nga­nibanJericho Rosales at magkasin­tahang Sarah Geronimo at Matteo Gui­dicelli.

Nakikita sa Instagram account na sobrang saya ni Judy Ann at hindi niya napigilang maluha nang kumanta na si Ely Buendia.

Sabi ni Ryan sa kanya; “Honey, Bubba, if you didn’t date me in the 90s, I want to bring the 90s to you!”

Kaya nakikita nga sa social media na nagdya-jamming sina Judy Ann, Angelica at Sarah ng kantang Aegis.

Naluha na naman si Juday nang umapir bigla ang kaibigan niya na nakatampuhan noon na si direk Dante Nico ‘Ga’ Garcia na naka-base na sa Palawan.

Dito siya sobrang nagulat, at nabiro pa niyang tanungin kung saan daw ito nakakuha ng pamasahe papuntang Maynila.

Todo ang pasasalamat ni Judy Ann sa lahat na nakibahagi sa espesyal na araw na iyun.

“Palagi ko sinasabi na hindi ako nasu-surprise, pero halos ma-heart attack ako dito sa dami ng tao…friendly pala ako.

“Alam ko kung gaano kalaking effort ang pagpunta nyo lahat, kung paano nyo ito nabuo.

“Lagi kong sinasabi I only have few friends, kayo na lahat yun, Ito na lahat yun.

Pihikan ako sa friends eh, because I believe…as a Filipino citizen, I have to choose the right kind of friends at kayo yun,” masayang pahayag ng Kapamilya actress.

Kahapon talaga ang kaarawan ni Judy Ann na 40 years old na ngayon, pero lalong gumanda dahil masaya ang buhay niya. Happy birthday Juday! 

vuukle comment

GLADYS REYES

JUDY ANN SANTOS

RYAN AGONCILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with