^

PSN Showbiz

Claudine handang-handa na sa comeback

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Claudine handang-handa na sa comeback
Direk Perci, Boss Vic, Claudine, at direk Sigrid

Naka-post sa Instagram (IG) ni director Perci Intalan ang photo nila nina Viva Films boss Vic del Rosario, Claudine Barretto, director Sigrid Andrea Bernardo at si direk Perci.

Malinaw ang picture, meeting ‘yun sa gagawing pelikula ni Claudine sa Viva Films at si Sigrid ang director.

Meeting pa lang ang nakita, excited na agad ang fans ni Claudine na magiging aktibo na uli siya sa showbis at ang comeback movie nga niya sa Viva Films ang simula nang kanyang pagbabalik. Nabalita noon na si Mark Anthony Fernandez ang makakasama ni Claudine sa pelikula kaya hintayin natin kung totoo ang mga nasulat.

Isa pang ikinatuwa ng fans ni Claudine, ang payat na niya, ready na siya for her comeback. Ang wish ng fans nito, isunod na niya ang pagbabalik sa telebis­yon dahil ang tagal na niyang hindi gumawa ng teleserye.

Alfred at pamilya pabalik na mula sa Bahamas

Malapit nang magising ang karakter ni Cong. Alfred Vargas na si Allan Magpantay sa Kambal Karibal dahil pabalik na sina Alfred at ang kanyang pamilya mula sa bakasyon nila sa Bahamas. Two weeks nasa bakasyon sina Alfred at para hindi siya hanapin ng viewers ng hit teleserye, pinalabas munang na-comatose si Allan.

Pagbalik ng bansa ni Alfred, isa sa mga una nitong gagawin ang mag-resume ng taping ng teleserye, kaya sa mga susunod na episodes, magigising na siya.

Anyway, nabasa namin ang isa sa hashtag ni Alfred sa mga pinost niyang pictures habang nasa Bahamas sila. Nakalagay ang #honeymoon, ibig sabihin, hindi lang basta bakasyon nila ng kanyang pamilya ‘yun, honeymoon din nila ng beautiful wife niyang si Yasmine Vargas.

Winwyn naudlot ang paglipat sa Kapamilya!

Si Mark Herras at ang “asa pa sila” comment nito ang naalala namin nang malamang nag-renew ng kontrata sa GMA Network ang girlfriend nitong si Teresita “Winwyn” Marquez. Kahapon pumirma ng bagong kontrata si Teresita kasama ang manager nitong si Arnold Vegafria.

Sabi ni Arnold, exclusive network contract ang pinirmahan ni Teresita, kaya expect natin na ma­­­pasama si Teresita sa mga bagong soaps ng GMA 7 at madadalas ang kanyang guesting.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with