^

PSN Showbiz

Matteo at Sarah walang isyu sa yaman!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Matteo at Sarah  walang isyu sa yaman!

Mahigit apat na taon nang magkasintahan sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Ngayon ay may mga plano na umano ang aktor kung sakali mang iwanan na ng Popstar Princess ang show business balang araw. “Siyempre we wanna give, when we get married to the person, we really want to be, we wanna give everything, ‘di ba? As the man, we want to give them a home, everything, and really work hard for it. And you can’t say, ‘Stop! I take care of it.’ It’s a process kumbaga,” nakangiting pahayag ni Matteo. Nakikita na raw ng aktor na si Sarah ang magiging ina ng kanyang mga anak at magkakaroon sila ng isang masayang pamilya. “But I still have lots of goals, a lot of dreams. I still have a lot of personal goals I want to achieve. We’re still moving forward,” makahulugang pahayag ng binata.

Hindi rin isyu kay Matteo ang kasikatan at kayamanan ng bawat isa dahil ang tanging mahalaga para sa magkasintahan ay ang pagmamahalan at nagkakaunawaan sila. “Definitely she does. We do for each other,” pagtatapos niya. 

Morisette Nagpa-planong magdemanda

Kamakailan ay naging kontrobersyal ang pag-iyak at pag-alis ni Sarah Geronimo sa stage habang kumakanta sa kanyang concert sa Amerika. Nasangkot sina Angeline Quinto at Morisette Amon dahil napabalitang pinagtawanan diumano ng dalawa ang nangyari kay Sarah. Dahil dito ay umani ng mga negatibong komento sina Morisette at Angeline mula sa ilang netizens.

Aminado naman si Morisette na talagang naapektuhan siya sa pagkakaugnay niya sa isyu. “Nalungkot po talaga ako kasi ang daming naniniwala doon sa rumor na ‘yon. Tapos ang dami pang nadamay. Of course si Angeline, kaming dalawa ‘yung naging victim doon sa pagba-bash nila,” bungad ni Morisette. “I just feel bad for Ate (Sarah) sa States kasi parang if she knew about it, dadagdag pa ‘yon sa problema sa kanya. Ang sakit po para sa akin na panoorin si Ate na pagod, na ‘yon nga sabi nga niya she feels empty. Of course as a fan nga talaga, parang I also understand talaga na it’s our nature of work na minsan we really have to give our all for work,” giit ng singer.

Para kay Morisette ay mas mabuti nang hindi niya patulan ang bashers sa social media. “Ako I chose to be quiet. Kasi I don’t want the issue na lumaki pa,” dagdag ng dalaga. Katulad ni Angeline ay pinag-aaralan na rin umano ng legal team ni Morisette ang pagsasampa ng kaso laban sa taong nagsimula ng mga mapanirang salita tungkol sa kanya. “That’s something to be discussed, but we actually found the source din. So it’s probably on that person,” pagbabahagi ni Morisette.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with