^

PSN Showbiz

AiAi naghahabol sa mga gumamit sa Ex-B para magkampanya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
AiAi naghahabol sa mga gumamit sa Ex-B para magkampanya

May nakinig kaya sa panawagan ni AiAi delas Alas sa mga kumakandidatong kagawad sa mga barangay na tigilan ang paggamit ng hit song ng Ex-Battalion na Hayaan Mo Sila sa kanilang panga­ngampanya?

May pinost si AiAi sa Instagram (IG) na statement yata ng lawyers ng Ex-Battalion at harinawa makarating sa mga kumakandidato.

“We were advised by concerned citizens that there are local candidate who are using Ex Battalion’s copyrighted song Hayaan Mo Sila without authority from the Group. We request, in the spirit of integrity and fair play, the concerned individuals to cease and desist from such unauthorized use of the song and its melody. Please be advised that the Group reserved its right to avail of the remedies under relevant laws afforded it. Thank you.”

Sa Monday na ang Barangay election, mahabol pa kaya nina AiAi at ng Ex Battalion ang gumamit ng kanta ng grupo?

Alden nagpasaya ng senior citizen

This May na raw ang release ng first single sa third album ni Alden Richards sa GMA Records, ang version niya ng I Will Be Here For You. Nagawa na rin ang music video ng song sa direction ni GB Sampedro na kilalang concert, TV, music video and movie director.

Naging espesyal ang music video shoot ni Alden dahil nagpunta rin siya sa Bahay Kalinga para sa elderly at hindi lang ang presence niya ang regalo niya sa mga lola, nagdala rin siya ng McDo Fried Chicken Meal, Magnolia Ice Cream at mga gamot na kanyang ini-endorse. Sa isang picture, nakita si Alden na tinutulungang maghimay ng fried chicken ang isang lola.

Magiging busy ang buwang ito kay Alden sa dami ng ganap sa kanyang career at mag-abang na lang ang kanyang fans.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

ALDEN RICHARDS

EX-BATTALION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with