^

PSN Showbiz

Sikat na female personality nagmukhang tanga at gaga sa ex at karelasyon na inaaway!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Inisnab-isnab ang drama

Nagkamali ng inaasahan ang isang pamosong female personality. Ang inaasahan pala niya ay makikisali sa kanyang mga upak ang karelasyon ng kanyang ex. Nabigo ang girl.

Inis na inis ngayon ang babaeng personalidad, tahimik na tahimik kasi ang karelasyon ng male personality, parang hindi man lang ito natinag sa tindi ng mga pinakawalan niyang paninira sa kanyang ex.

Kuwento ng aming source, “Alam n’yo ba kung ano ang ine-expect niya? Dahil sa tindi ng upak niya sa ex niya, e, hindi na makapagpipigil ang girl at papatulan na rin siya!

“Mas gusto niya ‘yun para humaba pa sana ang issue, mas marami pa sana siyang bombang pasasabugin against sa ex niya, pero naunsiyami ang inaasahan niya!

“Waley! Ni hindi nga pinansin nu’ng babae ang mga pasabog niya! Hindi siya pinatulan ng babae, she took the higher ground, matalino kasi ang girl at disente! Gigil na gigil siya, hindi niya gusto ang ganu’n, kailangang may sumasagot sa kanya!

“Pero nagmukha siyang ewan! Kahit nga ang pinatututsadahan niyang guy, e, ni hindi man lang sumagot sa mga banat niya, di ba? Mas nakakagigil nga naman ang ganu’n!

“Dakdak siya nang dakdak, kuda siya nang kuda, pero balewala lang naman pala ang panggigigil niya dahil deadma lang sa kanya ang mga taong hinahamon niya ng away ng salitaan!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Heto pa. Lalo sigurong nag-init ang bumbunan ng palaaway na female personality dahil habang dakdak siya nang dakdak ay sige naman ang paglalabasan ng mga pictures ng himahamon niyang magkarelasyon sa Facebook.

“Habang halos wala na kasi siyang tulog at pahinga sa paglalabas ng mga pasabog niya, e, hayun naman ang kinaiinisan niyang magkarelasyon, namamasyal sa mall, nakita niya ang mga retrato na kasama ng magdyowa ang mga fans na nagkakagulo sa kanila!

“Dagdag na pagkainis para sa kanya ‘yun! Hindi na nga naman siya pinapatulan nu’ng magdyowa, e, nagpipista pa ang mga tao sa kapapapiktyur sa kanila! Waley na naman siya du’n!

“Naku, hindi siya papatulan ng loves ng ex niya, ‘no! Sayang nga naman ang panahon niya, sayang ang effort niya! Bakit niya papatulan ang isang babaeng walang magawa sa buhay, kaya nagkakaganyan!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Ellen naging ilusyonada nang makarelasyon si John Lloyd!

Ang unang-unang dapat tutukan nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ay reality check. Kailangan na nilang makipagkilala sa kanilang mga sarili. Panahon na para isa-isa nilang detal­yehin ang maraming aspeto ng kanilang buhay.

Nagmamahalan sila, wala namang ku­mo­kontra sa kanilang kaligayahan, pero parang may mali na sa mga ipinakikita nila ngayon. Inila­layo na nila ang kanilang mga sarili sa publiko kahit pa mga pampublikong personalidad pa rin sila.

Bawal silang kunan ng retrato. Bawal silang mahagip ng video. Sinumang magtangkang kunan sila ay ipinahihiya nila sa publiko sa paglalabas nu’n sa kanilang social media account.

Kung ganu’n pala ang pamantayan nila ay lihis na sa idinidikta ng pagiging artista nila ay bakit pa sila lumalabas sa kanilang lungga? Para masunod ang kanilang gusto ay huwag na lang silang lalabas ng bahay.

Magpakaburyong na lang sila sa kanilang love nest, du’n ay ligtas na ligtas sila, walang makikialam sa personal nilang buhay. Ikinagagalit nila kahit ang pagtitig lang sa kanila ng mga tao sa kanilang paligid, ano ito, kapraningan?

Ano ang ilusyon ni Ellen Adarna, na porke nadikit ang kanyang pangalan sa isang sikat na aktor ay interesado na rin sa kanya ang publiko, kaya nagagalit ang sexy actress kapag akala nito’y may kumukuha ng kanilang video?

May mali na, nag-iinarte na sila, may hindi na tama sa kanilang mga ginagawa. Gusto nilang ilihim ang kanilang relasyon, ayaw nilang pinanghihimasukan ng ibang tao ang kanilang pagmamahalan, magpirmi na lang sila sa bahay.

Mag-videohan na lang silang dalawa sa maghapon at magdamag kung ganu’n ang gusto nilang mangyari!

vuukle comment

ELLEN ADARNA

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with