^

PSN Showbiz

Maricel ayaw magpaka-cougar!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Maricel ayaw magpaka-cougar!

Sisimulan na agad ni Eric Quizon ang ‘real comeback movie’ ni Diamond Star Maricel Soriano for Regal Films. Actually, binuko ni Eric na si Maricel ang nagtanong sa kanya kung kailan sila mag-start ng pelikula at nang malaman nga ng original taray queen na nagso-shooting sila ng My 2 Mommies sinabi ni Direk Eric na may role na puwede sa kanya (Marya) na agad namang inoohan ng actress. At doon na nga nag-start ang lahat. Three shooting days lang siya supposedly pero ‘pinagsamantalahan nila ako,’ natatawang sabi ng actress nang makatsika nga namin recently.

Na-enjoy naman niya ang Mother’s Day offering ng Regal Films dahil masaya at walang karadramahan. “Ayoko ko na ng drama. Gusto ko light na lang. Sa panahon pa ba ngayon,” say ni Maricel. Kaya ganun din ang magiging concept ng ‘comeback movie with Direk Eric.

Pero mas mauunang gawin ni Marya ang The General’s Daughter na magsisimula ang taping sa May 7 with Angel Locsin.

Kasama ang nasabing movie ni Marya sa four movies na contract sa Regal ni Eric.

Nabanggit din ni Ms. Marya na ayaw niya ng idea ng Overage movie na updated version ng Underage nila noon nina Dina Bonnevie and Snooky. “Hahaha. Ayokong maging cougar,” sabay tawa ng actress.

Anyway, showing na sa May 9 ang My 2 Mommies starring Paolo Ballesteros and Solenn Heussaff at sa trailer pa lang, nakakatuwa na.

JM susubukan kung nakabangon na

Huhusgahan na ang pagbabalik ni JM de Guzman sa Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi.

Masusubukan kung napanatili ni JM ang natural acting niya kasama ang bagong leading lady na si Barbie Imperial para bigyang-buhay ang isang kuwento ng pag-ibig na nababalot ng liwanag at dilim sa pagbubukas muli ng seryeng Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi na may streaming ang pilot episode via TFC online (www.TFC.tv) simulcast sa local airing nito sa April 30 4:10 p.m. (Manila time) worldwide (maliban sa ilang bansa).

Aminado si JM na kailangan pa niya ng tulong para tuluyang maka-recover matapos ma-rehab dahil sa bisyo.

Matapos ang siyam na taon, sundang muli ang pagbubukas ng mga pahina ng Precious Hearts Roman­ces series at kilalanin si Michelle (Imperial), isang babaeng may pusong kasing liwanag ng sikat ng araw. Sa kabila ng hirap sa buhay, tinuruan siya ng kanyang Mamay (Candy Pangilinan) at Papay (Dennis Padilla) na manatiling positibo sa kahit anong sitwasyon.

Kaya naman nang malaman niyang susi sa kanyang promotion bilang Account Director ang makuha ang proyekto ng isang Tranquila Resort, talaga namang todo ang kanyang ginawang paghahanda dito.

Kung puno ng liwanag ang buhay ni Michelle, kabaligtaran naman ito ng kay Adrian (de Guzman) na puno ng kadiliman ang pagkatao. Siya ang tuma­tayong CEO ng Olvidar Group of Companies kung saan kabilang ang Tranquila Resort na nasa El Paraiso, ang lugar na kina­lakihan niya.  Dahil sa isang kasalanang naga­wa niya 18 taon ng nakakaraan, binansagan siyang halimaw ng mga empleyado roon at salot naman kung ituring ng mga tao sa islang pinagmulan.

Sa pagdating ni Mich sa isla, marami siyang malalaman at kabilang dito ang tunay na pagkatao ni Adrian at ang misteryo sa likod ng napapanaginipan niyang parola.

Ano kaya ang kinalaman ng El Paraiso sa panaginip ni Michelle? Sa pagdating ni Mich sa buhay ni Adrian, lumiwanag na kaya ang puso niyang nababalot na ng kadiliman?

 Kasama rin sa cast sina Rita Avila, Vina Morales, Ara Mina, Raymond Bagatsing, RK Bagatsing, Jane Oineza, Phoebe Walker,Paolo Angeles, Ysabel Ortega, Victor Silayan, Arlene Muhlach, Eric Nicolas, at Joshua Colet. Ito ay sa direksyon nina Theo­­­dore Boborol, Don Cuaresma, at Mylah Ajero Gaite sa ilalim ng business unit na pinamamahalaan ni Ruel Bayani.

The Cure nina Jennylyn at Tom huhusgahan

Ngayong gabi na rin huhusgahan ang newest GMA Primetime, The Cure. Kakaiba ang kuwento ng bagong offering ng GMA 7 starring Jennylyn Mercado, Tom Rodriguez, Jaclyn Jose, Mark Herras, LJ Reyes at Ken Chan kung saan first time na ang isang kwento ay tungkol sa pamilya at sakit na cancer ang maaapektuhan ang bayan.

Ang lead star nitong si Jennylyn, excited na sa magi­ging pagtanggap ng Pinoy audience sa kanilang serye. Aniya, “Yung mga tao ‘di ba gusto nila ‘yung kahit na natatakot sila, o kahit na nati-tense sila sa pinapa­nood nila, gusto pa rin nilang subaybayan, so excited ako sa mga magiging reaksyon nila.”

Kasama nina Jen at Tom sa programang ito ay sina Jay Manalo, Irma Adlawan, Ronnie Henares, Glenda Garcia, Diva Montelaba, Arra San Agustin at Leanne Bautista.Sa ilalim ng direksyon ni Mark Reyes, mapapanood ang pilot airing nito ngayong Lunes (Abril 30) ng gabi sa GMA Telebabad.           

 

vuukle comment

ERIC QUIZON

MARICEL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with