^

PSN Showbiz

Pang-aagaw ng baril ni Joshua, trending at iniyakan!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Pang-aagaw ng baril ni Joshua, trending at iniyakan!

Joshua

Kung mayroon mang patunay na isang maga­ling na artista si Joshua Garcia, it was his performance sa last Friday episode ng The Good Son. Wala ni isa mang nakapanood ng episode ang hindi humanga kasabay ng kanilang pag-iyak sa napakahusay niyang pag-arte. Lalo na nang mang-agaw siya ng baril sa isang pulis at nagtangkang magbaril ng sarili pero, naduwag siya sa huling pagkakataon dahil lamang hindi niya nagawang sagi­pin ang kanyang ina sa pagkakahulog nito mula sa isang mataas na gusali.

His performance will surely merit an acting nominations in the the coming award derbies.

UHF gagawa agad ng 6 na pelikula

Bukod sa ToFarm Film Festival, itinatag din ni Dr. Milagros O. How ang movie production na Universal Harvester Films (UHF) na agad gaga­wa ng anim na pelikula sa taong ito. Layunin ng UHF na maging venue ng advocacy films na hirap makapasok sa mga commercial theater. Papasukin din ng bagong movie production ang pamamahagi at pagma-market ng mga pelikula na may genre na romance, comedy, horror, drama at action.

Kim kampante kay Ryan

Sa swerte na dumarating ngayon kay Kim Chiu na kahit dalawang ulit nang nawawalan ng ka-loveteam ay patuloy sa kanyang quest for greater glory bilang isang artista, binigyan siya ng bagong kapareha sa katauhan ni Ryan Bang at ang unang pelikula na pagtatambalan nila ang The One That Ghost Away.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with