^

PSN Showbiz

Katawan ni Marian pinaglalawayan ng mga kabaro!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Katawan ni Marian pinaglalawayan ng mga kabaro!

Marian

Atom ipinagdidiinan ang leksyon ng kasaysayan

PIK: Hindi maiwasan ng ilang artista na magpaghayag ng paghanga sa ganda ng katawan ni Marian Rivera.

Napanatili niya ang maliit na bewang dahil may time na siyang mag-workout at nababantayan pa ang diet niya. Kahit mahilig siyang kumain, dagdag pa ang mga ini-endorse ay maingat pa rin siya sa mga kinakain.

Kamakailan lang ay nag-renew si Marian ng kontrata niya sa Mega Prime Quality at nagpakitang gilas ang Kapuso Primetime Queen ng mga luto niya at kakaibang timpla ng ipini-prepare niyang dish, gamit ang Mega Prime Quality canned vegetables.

Ngayong papasok na ang summer, may espesyal na timpla si Marian sa ginagawa niyang halo-halo gamit ang ilang ingredients ng Mega Prime Quality.

PAK: Saang drama series kaya nangyari ‘yung pag-breakdown ng isang direktor dahil sa sobrang pangingialam ng produksyon sa pagdidirek niya?

Ayon sa kuwentong nakarating sa amin, hindi na raw nakayanan ni direk ang sobrang pressure mula sa production, dahil siya dapat ang nasusunod pero kapag pumasok na raw ang production staff pati ang producer na may inaalagaan yatang major sponsors may mga ipinababago raw sila na kailangang gawin.

Wala raw magawa si direk kundi sundin na lang. Pero minsan ay labag sa kalooban niyang gawin dahil iba naman ang style niya sa pagdidirek. Bakit nga naman hindi ito ipagkatiwala sa kanya? So far, wala pa naman siyang record na nalait ang pagdidirek sa project. May mga nagawang indie films si direk na matino at napasali pa nga sa ilang international filmfests. Kaya puwede naman talagang ipagkatiwala sa kanya ang project.

Nasaksihan daw ng ilang staff at artista ang pag-iyak ni direk dahil hindi na niya nakayanan ang sobrang pressure ng pangingialam at siyempre nasaktan ang ego niya sa ginagawa sa kanya.

BOOM: Sa Biyernes, March 23 ay magkakaroon uli ng public screening para sa pelikulang Citizen Jake na gaganapin sa UP Film Center.

Sold-out na nga raw ang tickets kaya malamang na magkakaroon pa rin ng ibang schedule.

Hanggang sa ngayon ay matigas pa rin si direk Mike de Leon na ayaw itong ipa-review sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaya hanggang sa mga ganung screenings lang muna mapapanood ang pelikula.

Iginagalang ni Atom Araullo ang desisyon ni direk Mike kahit hangad din sana niyang mapapanood ito ng mas nakararami.

Bilang co-writer, agree raw siya kay direk Mike na mapanood dapat ang naturang pelikula na walang cuts.

Samantala, hiningan namin ng reaksyon si Atom tungkol sa huling panayam namin kay Gov. Imee Marcos na wala raw siyang balak na panoorin ito. Sabi pa niya, habang tinitira raw sila ay  lalo naman daw silang pinapaangat ng mga tao.

Sagot ni Atom, “Well, that’s one point of view. I have a different point of view. I think that history affects us to this day.

“We have to learn from our mistakes. We have to call for justice when we have it…you know.

“Habang hindi kasi tayo natututo sa leksyon ng kasaysayan, at hindi natin nakakamit ang hustisya para sa mga naapektuhan ng karahasan at panunupil, malaki ang posibilidad na ulitin natin ang ating pagkakamali.

“At bilang isang lipunan, kung gusto natin mayaman ang ating bansa at kalidad ng buhay ng mas nakararami, mahalagang matutunan natin ang mga leksyon, at mahalagang makita natin kung ano ‘yung katotohanan.

“Kaya ‘pag sinasabi ng ibang mga tao na kailangan nang mag-move on, malilimutan nila na ang mahalagang bahagi ng pagmu-move on ay ang pagkamit ng hustisya at paghingi ng kapatawaran kung kinakailangan.

“Hindi naman kailangang maipit sa nakaraan. We don’t have to get stuck in the past. But, we certainly shouldn’t forget the lessons, and we should fight for the truth and also reject any revision of the truth of history.”

Related video:

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with