^

PSN Showbiz

Tony gustong sulutin si Liza?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Tony gustong sulutin si Liza?!

Tony

Marami ang nalungkot para sa isa sa 13 myembro ng Star Magic Circle na si Tony Labrusca dahil siya ang inaasahan na magiging kapareha ng dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Kisses Delavin. Ang dami na sanang plano ng fans kung paano sila susuportahan para mabilis silang sumikat at makilala bilang isang pareha. Pero laking disappointment nila na sa halip na si Tony ay si Donny Pangilinan ang inanunsyong maging kapareha ni Kisses. Hindi lang isa kung hindi dalawang proyekto pa ang pagsasamahan nila sa pelikula at TV. 

Samantala, malakas ang bulung-bulungan na kasama sa Darna si Tony. Baka kapag hindi umubra si Enrique Gil ay sa kanya mapunta ang role. Siyempre, alaga pa rin ng network ang loveteam, pero walang mawawala kapag naipareha si Liza kay Tony. Established na ang LizQuen. Matapos na maging third wheel si Tony sa KathNiel puwede na siyang maging leading man ni Liza. Hindi nga lang malaki ang role ng leading man ni Darna.

Marco nagpapaka choosy after Kisses

Mahihirapang makasabay si Marco Gallo sa pagsikat ng ex-loveteam niyang si Kisses Delavin kung ganyang mapili siya sa makakatambal. Buti nga at pinagbibigyan pa siyang pumili ng makakapareha, pero tumatanggi pa siya.

Aakalain mo bang tatanggihan niyang makasama si Vivoree Esclito na bukod sa maganda na ay marunong pa ring umarte. Malabo naman siya kay Juliana Gomez dahil marami itong bodyguard. Takot naman yata siyang makipag-hide and seek sa kanila. Pero bakit si Gabby Concepcion, nalusutan ang mga bantay ni Sharon Cu­neta noon at maging ang yaya nito?

Kuwento ng pamilyang masaya kahit salat sa buhay nasa MMK

Isang madamdaming kuwento tungkol sa isang pamilya na binubuo ng apat na magkakapatid, isang babae at tatlong lalaki at ang kanilang ina ang matutunghayan sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado.

Salat sa buhay ang pamilya, pero masaya silang nabubuhay na magkakasama. Ang anak na babae lamang ang nakatuntong ng paaralan sa magkakapatid. Ito ang nagturo sa mga kapatid niya na sumulat at magbasa. Tuwing hapon ay matiyagang hinihintay ng mag-ina ang pag-uwi ng tatlong lalaki. Minsan ay dala­wa lamang ang nakauwi. Matagal nawala ang isang kapatid na  hindi alam ng pamilya ay nabilanggo pala dahil sa pagnanakaw.

Inabot ng matagal na panahon bago nakabalik ang nabilanggo, pero hindi ito naging dahilan para hindi manumbalik ang kaligayahan ng pamilya sa kanilang muling pagsasama-sama.

Nasa direksyon ni Nuel Naval ang episode sa Sabado ay nagtatampok kina Ejay Falcon, Louise Abuel, Soliman Cruz, Rhed Bustamante, Mary Joy Apostol, Ruby Ruiz, John Manalo, Hero Angeles, Andrew Muhlach, Angelo Ilagan, Maria Isabel Lopez, Johan Santos, at marami pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with