^

PSN Showbiz

Mga gagawin nina Donny at Kisses nakahanay na!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa man nalalaunang maipa­kilala ang anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan na si Donny Pangilinan bilang isa sa 13 myembro ng Star Magic Circle 2018 ay inihayag na agad ng ABS-CBN ang plano na itambal ito sa Pinoy Big Brother (PBB) alumna na si Kisses Delavin, hindi lamang sa isang pelikula kundi maging sa isang serye sa TV.

Hindi lamang ang VJ ng MYX ang matatawag na masuwerte sa pagkakaroon agad ng dalawang proyekto kung hindi maging ang dating housemate ng PBB matapos itong makipaghiwalay sa kanyang unang ka-loveteam. Nakikitang suportado ang bagong pareha ng fans.

Wala namang magiging conflict kina Donny at Tony Labrusca dahil ipinauubaya nila sa Kapamilya Network ang kanilang kapalaran bilang artista.

Ogie susubukang punan ang kakulangan ni John Lloyd

Baka makabawi na ang Home Sweetie Home kay Ogie Alcasid, sa pagkawala ni John Lloyd Cruz sa sitcom. Marami nang pagbabago sa istorya ang pinagdaanan ng sitcom, pero nahihirapan pa ring i-push through ang tumatagal na pagkawala ni Romeo (John Lloyd) at ang pakagiliw sa kanya ni Julie (Toni Gonzaga). Mahirap nga namang panga­tawanan ang isang comedy show kung ganyang may lungkot na ibinabadya ang pagkawala ng bidang lalaki.

Bagaman at malaking pressure ang ibibigay nito sa mahusay na songwriter/singer, marami ang sampalataya na maitatawid ni Ogie ang kasiyahan na maaasahan sa programa sa kanyang pagganap ng roles bilang kambal na ang isa ay all-out beki.

Coco kailangan ng kakampi

Maganda ang ibinabadya ng FPJ’s Ang Probinsyano na sa halip na kasawaan dahil mahigit dalawang taon nang umeere, pero sa malas ay ayaw sukuan ni Coco Martin ang pag-iisip ng paraan para mas magawang interesante pa ang kuwento.

Sa pagpapalabas pa lamang ng trailer ng bagong kuwento, ay nasasabik na ang mga manonood kung ano ang roles na gagampanan ng mga bagong grupo ng artista na kinuha para sa show tulad nina Edu Manzano, Dawn Zulueta, Rowell Santiago, at Mark Fernandez.

Maganda marahil ang role ni Edu para iwan ­niya ang maganda niyang kalagayan sa Kapuso Network. Balik trabaho naman ito ni Mark sa TV at bagong trabaho ni Dawn na wala si Goma (Richard Gomez) at si Rowell ang kapareha. Mag-i-intertwine ang buhay ng mga character nila kina JC Santos, Yassi Pessman, at Coco Martin.

Kalaban rin ba sila ng probin­syanong pulis? Wala man lamang ba ni isa sa kanila ang makakatulong sa krusada ni Cardo?

Sherlock bagay sa millennials

Bagay ang topic ng Kapuso Primetime show na Sherlock, Jr. ngayon kung saan ipinakikita ang pagiging mahilig ng millennials sa Internet at pakiki­pag-chat sa ibang tao.

Sa istorya nga nito ngayon, mabibiktima ng karak­ter ni Marc Abaya na nagpapanggap na Carl ang kapatid ni Jack (Ruru Madrid) na si Jenny (Kate Valdez). Lingid kasi sa kaalaman nina Jack at Pido (Andre Paras), ito ang hinahanap nilang ‘killer chat mate’ na dumudukot sa mga dalagang nakiki­pag-chat kung kani-kanino.

Naku, madiskubre kaya nila Jack at Pido ang totoong identity ni Carl? Mailigtas kaya nina Jack at Siri si Jenny?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with