^

PSN Showbiz

Sarah hinihintay ang plano sa birthday ni Matteo

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Sarah hinihintay ang plano  sa birthday ni Matteo

Sarah at Matteo

Napanood namin sa Cinema One last Sunday ang 2011 movie na Catch Me…I’m Falling na pinagbidahan nina Sarah Geronimo, Gerald Anderson, at Matteo Guidicelli mula sa direksiyon ni Mae Czarina Cruz at co-production ng Star Cinema at Viva Films. Ito ‘yung panahon na na-link sa isa’t isa sina Sarah at Gerald pero hindi nag-prosper at dito pa-simple namang pumasok sa eksena si Matteo.

Si Matteo ay magtu-twenty-eight sa darating na March 26 habang si Sarah naman ay 29 (turning 30 on July 25).

Sa isang panayam kay Matteo ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang Tonight with Boy Abunda, inamin ng singer-actor at triathlete na nakikita niya ang kanyang sarili na may pamilya na sa loob ng limang taon.

Since papatak sa Holy Monday ang kaarawan ni Matteo, ano kaya ang balak ni Sarah sa birthday ng kasintahan?

Donny, Leila, at Tony angat   sa mga kasabayan sa SMC

Thirteen new talents ang bumubuo ng Star Magic Circle 2018 ang sabay-sabay na ipinakilala sa ASAP last Sunday at ang mga ito ay binubuo nina Donny Pangilinan (anak ng mag-asawang Maricel Laxa at Anthony Pangilinan), Tony Labrusca, Leila Alcasid (anak ng estranged couple na sina Ogie Alcasid at Michelle van Eimeren), Zonia Mejia, Charlie Dizon, Henz Villaraiz, Anna Luna, Chandal Videla, Yasmine Suarez, Daniela Stranner, Patty Mendoza, Karl Gabriel at Marcus Paterson.

Sa 13 fresh talents ng Star Magic, medyo nakakaungos na sina Donny, Tony, at Leila. Ang tanong, sino kaya sa mga ito ang aarangkada ang career sa showbiz?

Rolly Quizon nasa ICU pa rin

Humihingi na panalangin ang mga kaanak at mga kabigan ng actor at isa sa mga anak ng yumaong Co­medy King na si Dolphy, si Rolly Quizon na kasaluku­yang nasa ICU at comatose sa isang pagamutan in Quezon City matapos itong ma-stroke last Friday sa isang supermarket.  Ito’y nangyari limang araw matapos sumakabilang-buhay ang 45-year-old half-brother ni Rolly na si Dino sa Amerika.

Seventeen years old noon si Rolly nang siya’y mapabilang sa long-running sitcom na John en Marsha na tumagal sa ere ng 17 taon. Ito’y pinagtambalan nina Dolphy at Nida Blanca kasama sina Rolly, Maricel Soriano, Dely Atay-Atayan, Matutina, Atong Redillas, at Sheryl Cruz. Nine years old naman noon si Maricel nang makita nina Dolphy sa canteen ng ABS-CBN. Bukod sa siyam na movie franchise ng John en Marsha, si Rolly ay naging leading man ni Vilma Santos sa pelikulang Burlesk Queen in 1977 na dinirek ni Celso Ad. Castillo at nakapagbigay kay Rolly ng kanyang first acting award.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with