^

PSN Showbiz

Alden kumpirmadong maraming pinalit kay Maine

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Alden kumpirmadong  maraming pinalit kay Maine

Alden

Kung hindi raw sa May ay sa June na ang airing ng Mitho, ang fantaserye na pagbibidahan ni Alden Richards. Pero sa rami ng commitments ng aktor, parang malabong ma-achieve ito. Mukhang sa second quarter ng 2018 na ang balik-teleserye niya.

Malaking project ang Mitho, kaya binubusisi nang husto. Hindi agad sisimulan hangga’t hindi plantsado ang lahat ng aspeto ng fantaserye. Sa cast pa lang, lalo na sa leading ladies ni Alden (oo marami sila), kailangang swak sa karakter. ‘Yung mga pangalan na naisulat na kasama ni Alden, ay hindi pa sigurado.

Samantala, tatapusin muna ng aktor ang mga natanguang commitment kabilang dito ang Sikat Ka Kapuso sa April 7, sa New Jersey at Toronto sa Apr. 8 na. Makakasama ni Alden sina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Lovi Poe, Betong Sumaya at Dennis Trillo.

Anyway, kabilang si Alden sa Metro Society Most Influential People on Social Media. Noong isang araw lang, umabot na sa 5M ang followers niya sa Twitter at 2.4M  followers sa Instagram (IG). Hindi lang active sa IG si Alden sa rami ng bashers na hindi nauubusan ng isyu sa kanya.

Gladys malabo kina Juday at Claudine

Parang malabo ang balitang makakasama si Gladys Reyes sa pag­hu-host ng isang show sa ABS-CBN dahil kasama siya sa cast ng Inday Will Always Love You ng GMA 7. Kasama siya sa nag-taping sa Cebu at cast na humarap sa press sa ginanap na presscon.

Unless, ipinaalam si Gladys ng manager niyang si Lolit Solis sa GMA 7 para tanggapin ang show sa ABS-CBN.

Ang tsika, sina Judy Ann Santos at Claudine Barretto ang makakasama sa talk show ni Gladys.

Julie Anne manhid na sa bashers

Sa taping pala ng Pepito Manaloto sa Baler, Aurora sa Quezon kuha ang photos ni Julie Anne San Jose na naka-two-piece swimsuit. As expected, kung marami ang positive comment, may mga negative comment at na-bash pa siya.

Tuluy-tuloy nga ang pamba-bash kay Julie Anne lalo na ngayong puwede na silang magsama ni Alden Richards sa sketch at production number sa Sunday PinaSaya.

Pero matagal nang dedma sa bashers si Julie Anne, lalo na ngayong maganda ang takbo ng kanyang career. Hit ang singles niyang Nothing Left at version ng Your Song na original ng Parokya ni Edgar. Natuwa si Chito Miranda sa version ni Julie Anne na may 1M views na.

Pagbibidahan naman ni Julie Anne ang morning series na My Guitar Princess. Sina Kiko Estrada at Gil Cuerva ang dalawa niyang leading men at pinipili na ang ibang cast. May or June ang airing nito at ang tsika, nagkita-kita na ang cast para lang mas makilala ang isa’t isa bago pa man ang storycon at taping.

Arianne dumami ang offer sa probinsya

Last two weeks na ng Ika-6 Na Utos at kuwento ni Arianne Bautista na kasama sa cast bilang si Selma, this week na ang last taping day. Siya ay nag-last taping day na last week.

Natutuwa si Arianne dahil kahit hindi siya ang bida ng afternoon prime ng GMA 7 ay nakilala rin siya ng tao. Dahil din sa soap, tumaas ang talent fee niya at nakapag-downpayment sa isang mahal na condo unit. Dumami rin ang invitation niya sa out of town shows at corporate shows. Habang wala pa siyang teleserye, focus muna siya sa pagma-manage sa four restaurants na co-owner siya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with