^

PSN Showbiz

Kinse anyos na aktor, jobless matapos makabuntis!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Apat na taon ang age gap ng young actor (YA) sa kanyang girlfriend na sabi’y nabuntis nito. Menor de edad ang aktor na 15 years old lang at 19 years old naman ang GF. Si ate girl (sabi nga ng favorite expression nga­yon) ang sinisisi kung bakit siya nabuntis. Siya ang mas matanda sa kanila ni YA at dapat alam niya ang mangyayari pag nag-indulge sila sa pre-marital sex.

Ayun, pati career ni YA nadamay sa pagbubuntis ng GF, inalis muna siya sa eksena at hindi pa alam kung babalik pa at kung bibigyan pa ng shows ng kanyang network. Sayang dahil bukod sa gwapo, mahusay na aktor si YA, kung wala siyang trabaho, ano na ang mangyayari sa kanila ng GF at sa kanilang magiging anak?

Na-Google na ng mga reporter ang non-showbiz GF ni YA na kilala sa larangan ng sports. May maganda at kapani-paniwalang alibi ito sakaling hindi muna siya mapagkikita at maging active sa kanyang larangan.

Gabbi tinalikuran na ni Julia!

Pinost ni Gabbi Garcia sa Instagram (IG) ang announcement na The New Maybelline Girl at nilagyan ng caption na “So thrilled to be the newest addition to @maybelline’s family. Been a fan of your mascara and lippies ever since!!! So much love.”

Endorser nga si Gabbi ng Maybelline, pero sabi ng GMA Artist Center walang TVC si Gabbi, print ad lang.

Nasa Thailand si Gabbi a few days ago for a TVC shoot, hindi lang nabanggit kung para sa Maybelline pa rin o ibang product endorsement. Siguro, kabilang ang TVC shoot sa mga rason kung bakit nagbakasyon muna sa Sunday Pinasaya si Gabbi. Ayaw siguro nitong ma-stress sa sunud-sunod na trabaho.

Nag-aaral si Gabbi at nagti-taping pa ng Sherlock Jr., at ay may iba pang schedule, kaya pinayagan siyang magbakasyon muna.

Samantala, happy ang fans nina Gabbi at Ruru Madrid na suportado at ikinakampanya ng kanilang fans ang nomination as Favorite Pinoy Newbie sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards 2018.

Ang best friend naman ni Gabbi na si Julia Barretto, ang ka-love team na si Joshua Garcia ang ikinakampanya. Nominated sa same category ni Gabbi si Joshua, kaya siya ang mas pinili ni Julia na suportahan at naintindihan ito ni Gabbi.

Bruno natakot sa sampal ng reporter

Naaliw kami sa reaction ni Bruno Gabriel nang sabihan siya ng reporter na si Letty Celi na “sampalin kita.” Kita ang sobrang pagkagulat at takot na rin siguro ni Bruno na sasampalin siya sa presscon pa naman ng morning rom-com series na Ang Forever Ko’y Ikaw, kung saan, kasama siya sa cast. Sa March 12, ang pilot nito.

Napalitan ng ngiti ang gulat ni Bruno nang i-explain namin na expression ‘yun ni Manay Letty at natuwa ito  nang malamang  Kaibigan ni Manay Letty ang mom ni Bruno at nagulat ito na artista na ang anak ng kaibigan.

Nawala pang lalo ang takot ni Bruno na baka masampal siya off-cam nang magbilin si Manay Letty na ikumusta siya nito sa mom niya. “Opo” ang sagot ni Bruno.

Anyway, natutuwa ang fans ng love team nina Bruno at Ayra Mariano na itinuloy ng GMA-7 ang tambalan nila na unang napanood sa G.R.I.N.D na kahit maganda, konti ang nakapanood dahil sa very late ang time slot nito. Ang sabi ni Bruno, baka ibalik ang series at sana, mas maaga itong mapanood.

Aicelle naghahanda nang mag-two piece sa Miss Saigon

Sa March 22 na raw ang lipad ni Aicelle Santos sa Manchester, England para sa Miss Saigon UK Tour para gampanan ang role ni Gigi Van Tranh. Tumatagal daw ng 10 months ang kontrata ‘pag ganitong tour at baka makasama si Aicelle sa Asian Tour na kasama ang Philippines.

“Excited, happy and overwhelmed,” ang sagot ni Aicelle sa isang TV interview. Maghahanda rin siya dahil magsusuot siya ng two-piece and other sexy costumes.

Very proud boyfriend si Mark Zambrano sa tweets niyang, “Can’t wait to see you rock this role mahal ko!! I am sooo proud of you,”

Nakakatuwa dahil may mga nagpapayo kina Mark at Aicelle na maging strong habang sila ay magkalayo. Saka, dalawin daw sana ni Mark si Aicelle kung saan ito magtatanghal.

Isa pang Pinoy na kasama sa UK Touring edition ng Miss Saigon si Joaquin Valdez as Thuy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with