^

PSN Showbiz

Patricia tuluyan nang nabura sa TV!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Patricia tuluyan nang nabura sa TV!

Patricia

Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung bakit biglang nawala sa longest-running noontime show na Eat Bulaga ang dating beauty queen-host-actress na si Patricia Tumulak at ang ­sup­­posed-to-be pinch-hitter ­TV host na si Luane Dy ay siya nga­yong regular na napapanood  sa programa.

Bago pa man hiwalay na nag-maternity leave sa Eat Bulaga sina Pia Guanio at Pauleen Luna ay isa na sa mga mainstay ng noontime show si Patricia and there were times na magkasama sila sa show ni Luane. Pero bigla na lamang nawala sa show si Patricia na ang itinuturong dahilan ay dahil napasama siya sa bagong nagtapos na TV series na Super Ma’am na pinagbidahan ni Marian Rivera. Pero nagtapos na sa ere ang nasabing serye at hindi pa rin bumabalik sa noontime show si Patricia.

Samantala, malamang this month na bumalik sa EB ang isa sa Dabarkads na si Pauleen Luna na nagsilang last November ng first baby nila ng husband niyang si Vic “Bossing” Sotto na si Talitha.

Alden sanay nang wala si Maine

Mukhang hindi magsasama pa ang tinaguriang phenomenal pair na sina Alden Richards at Maine Mendoza sa isang bagong teleserye. Tiyak ding ibang female star ang nakatakdang makapareha ng other half ng AlDub.

Ang bagong sisimulang teleserye ni Alden sa GMA ay marahil magiging simula ng paghihiwalay ng projects ng AlDub.

Yassi hinahanap ang isa pang kapatid

Masaya si Yassi Pressman na nakilala na niya in person ang isa sa dalawa niyang elder half-siblings sa Italy na si Cara kasama ang younger sister niyang si Issa Pressman. Ito’y  naging posible nang magkaroon ng show sa London ang ilang cast ng FPJ’s Ang Probinsyano noong nakaraang December. 

Magmula nang isilang si Yassi at ang sister niyang si Issa ay doon lamang na­ki­la­la ng magkapatid ang kanilang elder half-sister. Isa sa mga araw na ito ay gusto rin makilala ng magkapatid ang isa pa nilang nakatatandang kapatid na naka-base naman sa Australia.

Umarangkada nang husto ang career ni Yassi nang siya’y mapabilang at ipareha sa lead star ng hit  primetime TV series na FPJ’s Ang Probinsyano na si Coco Martin.

Si Yassi ay malapit nang mapanood sa upcoming movie ng Viva Films, ang romance-comedy movie na Pambansang Third Wheel na pinagtatambalan nila ni Sam Milby kung saan din tampok ang child star na si Alonzo Muhlach.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with