^

PSN Showbiz

Pia Guanio ‘di na pinabalik sa EB! Founder ng playboy namatay na!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Pia Guanio �di na pinabalik sa EB! Founder ng playboy namatay na!

Pia Guanio

SEEN: Sa October 25 ang final playdate ng The Barker, ang pelikula nina Shy Carl os at Empoy Marquez sa Viva Films.

SCENE: Pumanaw noong Miyerkules, September 27, sa edad na 91 ang Playboy founder na si Hugh Hefner. Sina Marilyn Monroe, Cindy Crawford at Pamela Anderson ang tatlo sa mga sikat na celebrity na nag-pose sa Playboy magazine.

SEEN: Hindi natutuwa si JayR sa mga nagsa­sabi na hindi bagay sa kanya ang sobrang payat. Ayaw ni JayR na pinakikialaman siya ng mga tao na nagmamalasakit sa kanya at nag-aalala sa unhealthy look niya.

SCENE: Ang patuloy na pagkukumpara kay Karen Davila at sa kanyang impersonator na si Kaladkaren Davila dahil mas pleasant ang personality at witty ang huli.  May mga pagkakataon lang na “nawawala” si Kaladkaren sa panggagaya niya sa original Karen.

SEEN: Sa November ang target playdate ng Barbi, The Wonder Beki, ang comedy movie na pagbibidahan nina Joey de Leon at Paolo Ballesteros. Co-production venture ng M-Zet Productions at ng Octoarts Films ang Barbi, The Wonder Beki.

SCENE: May revisions sa script kaya hindi pa nauumpisahan ang shooting ng bagong pelikula nina Nadine Lustre at James Reid.

SEEN: Hindi sinasagot ni Pia Guanio ang mga nagtatanong tungkol sa pagbabalik niya bilang co-host ng Eat Bulaga. Missed na missed na ng fans ni Pia ang presence niya sa Eat Bulaga. Hindi pa nagbabalik si Pia sa noontime show ng GMA 7 mula nang isilang niya noong May 2017 ang second daughter nila ni Steve Mago.

SCENE: Itina-tag ni Angel Locsin ang Star Creatives sa mga tweet ng bashers niya na nagsasabi na hindi siya nakakatulong sa La Luna Sangre. Si Malou Santos ang head ng Star Creatives, ang producer ng La Luna Sangre.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with