^

PSN Showbiz

Gary V presents… may season finale na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mula sa commercial at critical success ng kanyang two-night benefit Valentine concert na Love In Motion na ginanap sa The Shangri-La at The Fort, at sa kanyang memorable stint bilang isa sa mga celebrity jurors ng phenomenal celebrity musical competition ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar Kids, bubuksan ni Gary Valenciano ang ikalawang quarter ng taon sa pinakahihintay na season finale ng Gary V Presents…, na magaganap sa Mayo 12, 13, 19, at 20 sa The Theatre At Solaire (?8:00 p.m.). 

Sa ilalim ng stage direction ni Paolo Valenciano, na ilan sa mga kredito bilang direktor ay ang mga hit concerts nina Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, Toni Gonzaga, Sponge Cola, at Sam Concepcion to mention a few; at musical direction ni Mon Faustino – na musical director ni Gary sa nakalipas na higit sa 28 taon; ang season finale ng Gary V Presents… ay ang pinakaunang major event na magmamarka sa ika-34 na anibersaryo ni Gary sa show business. 

Nilikha ang ideya ng Gary V Presents… ni Gary at ng Manila Genesis team kasama si Paolo at ang main objective ng series ay ang mag-provide ng mainstream platform sa mga choice of artists ni Gary na kanyang pakiramdam ay kailangan ng mas malaki at mas malawak na venue kung saan maaari nilang i-showcase ang kanilang talent sa iba’t ibang genres na kanilang kinakatawan – pop, soul, R&B, jazz, world music, classical, at marami pang iba.  

Ang kauna-unahang run ng Gary V Presents… ay itinanghal sa loob ng dalawang gabi noong Nobyembre 2015 at ang concert franchise series na ito ay nanganak ng tatlo pang pagtatanghal due to insistent public demand: isang repeat nuong Disyembre 2015 sa Maynila at isang espesyal na pagtatanghal sa Dipolog City, at isa pang dalawang gabing pagtatanghal nuong Hulyo 2016 sa Quezon City, at ito ang dahilan kung bakit ang season finale na ito ay ang ika-lima at pinaka-bonggang staging na tiyak na kapana­nabikan ng lahat ng mga tagahangga.

Para sa season finale na ito, aabangan ng mga tagahangga ang mga show-stopping production numbers ni Gary kasama ang mga alumni ng The Voice Of The Philippines na sina Mitoy Yonting, Janice Javier, RJ Dela Fuente, at Tim Pavino; si Allan Silonga ng all-male vocal group na Daddy’s Home, ang online sensation na si Katrina Valerde mula sa The X-Factor Philippines; ang classical-pop singer na si Lara Maigue ng Philpop; ang theater actress at da­ting bida ng Miss Saigon sa London na si Carla Guevara-Laforteza; ang theater actor at R&B singer na si Jimmy Marquez ng ikalawang season ng Search For The Star In A Million; ang indie artist na si Bullet Dumas na produkto ng taunang Elements Songwriting Camp; at ang it-girl, certified hit-maker, at singer-songwriter na si Kiana Valenciano. Bilang added treat, sina Jason at Joshua Zamora – na dalawa sa mga orihinal na miyembro ng The Manoeuvres at ang Addlib Dancers ay makikisaya sa buong barkada sa season finale.

“Season finale ang tawag namin sa Gary V Presents… na itatanghal namin ngayon sapagkat ibang mga artist na ang i-fefeature namin ‘pag nagbalik ito sa mga darating na araw,” sabi ni Gary. “Nais kong ituloy ang aking adbokasiya na bigyan ang mga artists ng mas malaking platform upang ma-showcase ang kanilang musika sa mas mala­king audience and I’ll be on the look out for a new set of artists. But of course, the original cast of Gary V Presents…will always have a special place in my heart.”     

Para sa mga tikets tumawag sa TicketWorld (?891-9999) o bisitahin ang visit www.ticketworld.com.ph o kontakin ang ?+639189212812 and ?+639175413389.

vuukle comment

GARY VALENCIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with