^

PSN Showbiz

Mother Lily sure sa MMff 2017!; Sen. Chiz, hawakan lang sa hagdan ang ambag sa bonggang bahay ni Heart

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Binigyan ng Cinema Evaluation Board ng Grade A ang pelikulang Puwera Usog ng Regal Films.

Showing na ito, at kumpiyansa sina Mother Lily at Roselle Monteverde na tatangkilikin ang bagong horror movie na ito na swak na swak daw sa mga millennial.

Suportado naman ng mga artistang close kay Direk Jason Paul Laxamana ang celebrity premiere nito na ginanap sa Promenade sa Greenhills kamakalawa ng gabi.

Doon na rin namin nahingan ng pahayag si Mother Lily kung ano ang tingin niya sa mga bagong miyembro ng Executive Committee ng MMFF 2017.

“These are all very legitimate and talagang they really love the industry,” pahayag ni Mother Lily. Tiyak na sasali raw siya ngayong taong MMFF.

PAK: Ngayon lang kumalat sa internet ang bagong sex video in Bernard Palanca na matagal na naming nakita.

Matagal nang hawak ‘yan ng isang kaibigan na­ming nakapagkolekta ng mga sex video ng mga celebrity.

Ayaw lang niyang i-share sa amin ang kopya dahil bawal daw, kaya ipinapakita na lang niya sa amin. Meron pa nga raw siyang sex video ng kilalang komed­yante, pero hindi lang daw niya maipapakita sa amin.

Isa si Mark Neumann sa hiningan namin ng reaksyon sa kumalat na sex video ni Bernard. Isa rin si Mark sa mga kilalang celebrities na may kumalat na sex video, kaya ang payo raw niya kay Bernard, hayaan na lang at manahimik na lang tungkol sa issue.

“Siguro learn from your lesson, and quite na lang siguro,” tipid na sagot ni Mark.

BOOM: Finally, matutuloy na rin ang matagal nang naudlot na honeymoon nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Naipagpaalam na raw ni Heart sa GMA 7 na aalis sila sa April para sa matagal na nilang naplanong honeymoon sa Europe.

Sisimulan na kasi ni Heart ang Mulawin vs. Ravena kaya ngayon pa lang ay inayos na nila ang schedule para hindi maapektuhan ang taping ng bagong telefantasya na ito ng GMA 7 kapag wala si Heart. Bukod pa diyan ay may bagong talk show din ang Kapuso actress sa GMA News TV na pinamagatang Follow Your Heart.

Kaya sunud-sunod na ang trabaho niya pagbalik niya mula sa ilang linggong honeymoon nila.

Gustung-gusto na raw kasi ni Sen. Chiz na magka-baby sila ni Heart, kahit hindi pa ganun ka-ready ang aktres.

Pero ayaw na lang daw nila magpa-pressure sa mga projects ni Heart kung sakaling mabuntis ito. Bahala na raw kung mabubuntis siya this year o hindi.

Nakalipat na rin sila sa bagong bahay na ipinatayo ni Heart.

Ipinagkibit-balikat na lang daw ni Heart ang mga intriga kung saan nanggaling ang perang ipinagpatayo niya ng bahay.

Kaya nga raw kayod nang kayod si Heart dahil sa ipinagpatayo niyang bahay, at wala raw talagang ambag si Sen. Chiz sa bahay na iyon.

Maaring sinagot daw ni Sen. Chiz ang ibang gamit ng bahay, pero sa pagpapatayo talaga nito ay wala raw.

Ayon sa ilang taong malapit sa Kapuso actress, ang nai-share lang daw ni Sen. Chiz sa bagong bahay na iyon ay ang hawakan ng hagdanan na kinuha nito sa luma niyang bahay.

vuukle comment

ROSELLE MONTEVERDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with