^

PSN Showbiz

Kylie pinalitan ni Sanya bilang reyna

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pagpapatuloy ng Encantadia, pinasama ni Emre si Kahlil kay Amihan (Kylie Padilla) pabalik ng Encantadia para tulungan itong labanan ang mga Hadezar.

Ipinagtapat ni Danaya (Sanya Lopez) kay Aquil (Rocco Nacino) ang pagmamahal niya dito at sila’y naghalikan.

Sinubukan ni Pirena (Glaiza De Castro) na tulungan si Mira na magsanay sa pakikipaglaban ngunit tumanggi ito.

Naghahanda na ang mga Hadezar sa paglusob sa kinaroroonan ng mga diwata matapos ipagutos ni Hagorn (John Arcilla).

Binabasa ni Danaya ang liham na ibinilin sa kanya ni Amihan kung saan inaatasan niya si Danaya na humalili bilang bagong Reyna ng Lireo. Nakita ni Alena ang liham na binabasa ni Danaya ngunit tumanggi si Danaya na sabihin kay Alena ang nilalaman nito.

Tinulungan ni Pirena si Lira na magsanay sa paki­kipagdigma matapos nitong madama ang labis na kagustuhan na ipaghiganti ang namatay na Ina.

Nagsindi ng kandila si Ybrahim para maging gabay ni Amihan pabalik ng Encantadia.

Dumating na si Hagorn at mga Hadezar sa kinaro­roonan nila Ybrahim. Ibinalita naman ni Amarro sa mga diwata na palusob na sila Hagorn kaya’t dapat na silang maghanda.

Sa tangkang pagsaksak ni Asval kay Ybrahim ay darating ang Ivtre ni Amihan at Kahlil. Mapipigilan ni Amihan ang pagsaksak ni Asval. Ikakagulat ni Hagorn ang nakita.

Huwag palampasin ang Encantadia gabi-gabi pagkatapos ng 24-Oras sa GMA 7.

 

vuukle comment

KYLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with