^

PSN Showbiz

The Voice naghahanap na ng mga contestant para sa teens season

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos marinig ang boses ng adult at kiddie artists, pagkakataon naman ng teens na bumida ngayong 2017 sa kauna-unahang pagkakataon sa buong Asya sa top-rating singing reality show na The Voice.

Nagsimula na nga ang paghahanap sa susunod na singing superstar sa pamamagitan ng auditions na ginanap sa Quezon City, Bataan, Cavite, at Tacloban, Leyte nitong Enero, na dinumog ng higit kumulang 6,000 auditionees.

Patuloy namang susuyurin ng programa ang iba’t ibang bahagi ng bansa para hanapin ang artists na edad 13 hanggang 17 years old na handang ipaglaban ang kanilang pangarap at boses.

Para sa mga gustong sumali, ihanda na ang audition song at sumugod sa Robinsons Place Roxas sa Capiz at Vista Mall sa Sta. Rosa, Laguna ngayong Sabado (Jan 28), at sa Robinsons Place sa Jaro, Iloilo at Starmall San Jose Del Monte, Bulacan sa Linggo (Jan 29).

Magkakaroon din ng auditions sa susunod na buwan sa Starmall Las Pinas at KCC Mall sa General Santos City (Pebrero 4), at sa Star Mall EDSA Shaw (Pebrero 5).

Huwag ding palampasin ang auditions sa Robinsons Townville sa Pulilan, Bulacan (Pebrero 11), KCC Mall De Zamboanga (Peb­rero 11 at 12), Robinsons Townville Cabanatuan at Robinsons Townville BF Paranaque (Pebrero 18), Robinsons Supermarket Perdices sa Dumaguete (Pebrero 19), at sa Vista Mall Pampanga at Vista Mall Taguig (Pebrero 25).

Sa aling bahagi ng Pilipinas o mundo kaya manggagaling ang susunod sa yapak ng The Voice of the Philippines champions na sina Mitoy at Jason Dy, at The Voice Kids champions na sina Lyca Gairanod, Elha Nympha, at Joshua Oliveros?

vuukle comment

THE VOICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with