^

PSN Showbiz

Jessy pumiyok sa kasal nila ni Luis

IYO ANTOY - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Ilang buwan nang nakikitang magkasama sina Jessy Mendiola at Luis Manzano sa kanilang mga bakasyon. Madalas na mag-post ang dalawa sa kani-kanilang Instagram account ng mga larawan kung saan ay makikita silang sweet.

Matagal na ring nauugnay sina Jessy at Luis pero wala pang kumpirmasyon  mula sa dalawa kung ano talaga ang estado ng kanilang relasyon.

Hindi pa man uma­amin ay si Luis na raw ang nakikita ng aktres na kanyang mamahalin habambuhay. “Ako kasi, I always ask him. Palagi akong nagtatanong kung, ‘Ano sa tingin mo? Ano kayang mas okay? Tama ba ito? Mali ba ito?’ Gano’n ako lagi sa kanya and gano’n din siya sa akin,” makahulugang pahayag ni Jessy. “I think gano’n talaga kapag partners. Hindi pwedeng walang say ‘yung partner mo kasi you are in this together. So whether it be his life or your life, dapat mayroon kang part doon,” dagdag pa ng aktres.

Napag-uusapan na rin daw nina Jessy at Luis ang tungkol sa pag-iisang dibdib. “Of course naman. Aminin naman natin lahat kapag may partner tayo, palagi nating pinag-uusapan ‘yan. You always hope for the best,” pagtatapat ni Jessy.

Ian hindi pinakikialaman ng asawa sa ibang babae

Kamakailan ay pumutok ang balitang nag-uugnay kina Jessy Mendiola at Ian Veneracion.

Ayon sa aktor ay hindi raw niya alam kung paano nagsimula ang tungkol sa isyu. “Hindi ko alam, hindi naman kami naging magkatrabaho or anything. Siguro sa showbiz, mas importante ang juice factor kaysa sa factual basis,” nakangiting bungad ni Ian.

Alam ng publiko na pamil­yado na ang aktor pero lapitin pa rin ng mga malis­yosong balita. Hindi na raw nagugulat si Ian sa mga balitang nag-uugnay sa kanya sa ibang babae dahil madalas din itong nangyayari sa aktor. “Sanay na din naman ako diyan. Lumaki na ako sa showbiz and kung asawa ko nga hindi ako tinatanong. Parang I don’t feel answerable to anyone ‘pag tinatanong ako, asawa ko nga hindi ako tinatanong eh kasi walang issue sa amin,” giit ng aktor.

Naiintindihan daw ng asawang si Pam ang trabaho ng aktor kaya nasanay na rin ito sa kalakaran sa show business. “I didn’t have to handle anything kasi nga walang issue. Siguro kung magiging issue ‘yun kung may issue sa wife ko, pero since walang issue sa wife ko, eh ‘di wala,” paliwanag pa niya. 

 

 

vuukle comment

JESSY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with