^

PSN Showbiz

Jadine nakahilera na ang trabaho ngayong 2017!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Bumandera sina James Reid and Nadine Lustre sa natapos na taon. Last year sila officially naging mag-on. Dalawa ang nagawa nilang primetime series sa ABS-CBN, ang On The Wings of Love na isang mala­king tagumpay at ang Till I Met You na last three weeks na sa ere. Parehong naging matagumpay ang dalawang serye ng magkarelasyon dahil bukod sa maganda ang rating ay balitang malaki ang nakukuha nitong viewership sa Internet.

Nakapag-concert din sila sa Araneta Coliseum na jampacked. Kasama rin sila sa top grosser movie nung 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) na Beauty and the Bestie at marami silang pinakilig sa pelikulang This Time na nag-shooting pa sa Japan. Nagkaroon din sila ng world concert tour.

Humataw din ang kani-kanilang album lalo na sa Spotify at hindi na mabilang ang endorsement nila na patuloy na nadadagdagan.

At ang libro nilang Team Real, major hit noong 2016. Hindi pa man ito lumalabas sa mga bookstore bumenta na agad ito ng 100,000 copies.

And this year, bukod sa new album nina James and Nadine, balitang may gagawin din silang pelikula at marami pang nakahilerang endorsements ayon sa Viva na may hawak ng career ng magka-loveteam.

Korona ng Miss International ‘di madala sa ‘pinas

Hindi pa pala nadadala sa bansa ang orig na crown ng Miss International na nasungkit ng Pinay na si Kylie Verzosa. Kaya ang suot niyang korona nang mag-victory parade, replica lang at hindi ang ipinutong sa kanya nang manalo sa Japan. Masyado raw mahigpit ang organizer ng Miss International sa nasabing korona kaya hindi ito mailabas ng Japan.

Nakausap siya sa programang Tapatan ni Tunying na parang antok na antok na umere lang Friday night. Masyado raw siyang busy kaya siguro sobrang antok na antok ang hitsura niya.

Fans ni Sarah may new year wish

Wish ng fans ni Sarah Geronimo na ngayong Year of the Rooster sa Chinese calendar na maging aktibo na uli ang Pop Royalty sa kanyang career.

Last year kasi ay nag-decide si Sarah na mag-break ng diretsong two months.

Bukod sa nakapag-rest siya sa hectic sked, nagawa rin niyang mag-enroll sa culinary at sa pole dancing. Ngayon, puwede na siyang mag-put up ng restaurant although meron na silang existing na eatery somewhere ni Mindanao Avenue pero by reservation lang ang alam namin.

Puwede na rin siyang sumabak sa pole dancing na ang naging mentor niya ay si Ciara Sotto na expert sa pagsasayaw habang nakalambitin.

At nagkaoras din siya sa boyfriend na si Matteo Guidicelli kung saan naglutangan sa social media ang kanilang mga picture habang magkasama. Nagawa pa nga ni Sarah na mag-hiking kasama ang BF at bumisita sa Cebu.

This year, ang wish ng fans niya ay magka-pelikula naman daw ang singer-actress at magkaroon ng regular show sa ABS-CBN bukod sa ASAP.

Ang maganda lang sa career ni Sarah kahit hindi siya active, visible naman sa TV ang mga endorsements niya kaya hindi rin siya gaanong nami-miss.

Bagong bahay nina Cristine super bongga

Wow, ang ganda ng bagong bahay ni Cristine Reyes Khatibi.

Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang hitsura ng bagong renovate nilang bahay. At in all fairness, ang ganda.

Ang Sohu Design and Ms. Jen Sohu ang nag-design base sa caption ng actress na ikinasal noong nakaraang taon kay Ali Khatibi. Kamakailan lang nag-one year ang anak nilang si Amarah.

Super bongga at organized ang setup ng kanilang Victorian inspired home. Sa caption ay binanggit niyang “It’s my new home with Ali and Amarah.”

Paraket-raket lang ang husband ni Cristine na isang MMA expert kaya obvious na mas malaki talaga ang kita niya.

MASAGANANG BAGONG TAON SA ATING LAHAT!

vuukle comment

JAMES REID AND NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with