^

PSN Showbiz

Allen Dizon umaming nagbayad ng babae para lumigaya! Alma bawal nang tanungin tungkol kay Mark Anthony

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Allen Dizon umaming nagbayad ng babae para lumigaya! Alma bawal nang tanungin tungkol kay Mark Anthony
Allen Dizon

PIK: Dahil sa nangyari sa kapatid ni Julio Diaz lalong mag-iingat daw ngayon ang aktor dahil puwede ring mangyari sa kanya ito.

Pagkatapos niyang ma-stroke ilang buwan na ang nakararaan, nasa 8th month rehab daw siya ngayon at dalawang buwan na lang ay magiging okay na siya.

“Kailangan pa ng MIR para ma-check ng doktor kung okay na ba ako.

“Yung sinasabing 2 months period pa na kakailanganin ko, palagay ko malalagpa­san ko ito,” pakli ng aktor.

Pero naging eye-opener daw sa kan­ya ang nangyari sa kapatid kaya lalo siyang nag-iingat.

“Yung pagkamatay ng kapatid ko, wala nga siyang bisyo, puwede rin mangyari sa akin ‘yun,” pahayag pa ni Julio Diaz.

PAK: Malapit kay Allen Dizon ang pelikulang Area na pinagbibidahan ni AiAi delas Alas dahil totoong kuwento raw ito sa isang lugar sa Angeles City kung saan puntahan ng mga kalalakihan para bumili ng panandaliang aliw.

Aminado ang aktor na nu’ng kabataan niya, nung high school siya ay pumupunta roon para maglabas ng init ng katawan.

“Hindi naman ako dun nabinyagan, pero pumupunta ako doon kasama ang tropa.

“Pumasok ako doon para kumuha ng isang babae. Isang team kami, pumipila kami sa isang babae lang,” natatawang kuwento ni Allen. Magbabayad lang daw sila ng 500 pesos, okay na raw sila buong team na katropa niya.

Pero nu’ng nag-shoot sila roon, wala na ang mga kababaihan at nawawala na nga ang Area na madalas pinupuntahan ng mga kalalakihan.

BOOM: Medyo masigla ang boses ni Alma Moreno nang sandali naming makausap sa taping ng sitcom niya sa GMA-7 na Tsuper Hero.

Kagagaling lang niya ng Pampanga dahil sina­ma­han niya ang anak na si Mark Anthony Fernandez na dumalo sa hearing nu’ng nakaraang Lunes. Pagkatapos ng hearing ay tumuloy na si Alma sa taping ng Tsuper Hero at pinipilit sumaya. Kaya nu’ng kinumusta namin, ang bilis ng sagot ng actress/politician ng, “Eto beauty pa rin!”

Sabi ni Alma, sitcom ang itini-tape niya linggu-linggo kaya dapat na masaya raw siya.

Sa set ng Tsuper hero ay ipinagbabawal daw na pag-usapan ang tungkol kay Mark Anthony.

Kabilin-bilinan sa production staff at co-stars ni Alma na huwag siyang tanungin tungkol sa kalagayan ni Mark Anthony para hindi bumaba ang mood nito.

vuukle comment

ALLEN DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with