^

PSN Showbiz

Jessy umalma sa pagkakadawit sa hiwalayan ni Ian sa misis, pero feeling lucky kay Luis

Rodel Lugo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – “Sana naman tigilan na nila ‘yung mga ganu’ng issue kasi pamilyadong tao ‘yun eh,” komento ni Jessy Mendiola patungkol sa pagkakadawit niya sa hiwalayan umano nina Ian Veneracion at ng kanyang non-showbiz wife. Wala raw siyang alam kung saan nagsimula at kanino nangga­ling ang malisyosong tsismis na ‘yun kaya pakiusap niya na tigilan na ng mga taong gustong manira ang kanilang ginagawa. Ayaw na rin nitong magdagdag ng anumang komento kaugnay sa nasabing issue.

Si Jessy ang hini­rang na FHM’s Se­xiest Wo­man ngayong taon at hindi umano ito makapaniwala na siya ang magwawagi sa botohan. Kahit nga noong i-announce na ka­sali siya sa listahan ng 100 Sexiest Women ay wala itong pakialam since alam niyang wala siyang laban dahil voluptuous o curvy nga ang kanyang katawan. Maging nang ianunsyo na kasali siya sa Top 3 kalaban sina Nadine Lustre at Jennylyn Mercado ay hindi siya umasang makukuha ang number one spot kaya ‘di na ito nag-effort na i-promote ang sarili sa mga boboto.

Nang siya ang magwagi bilang FHM’s sexiest, mas lalo raw niyang minahal ang kanyang sarili at mas naging confident siya. Dito na rin siya nagsimulang mag-iba ng lifestyle dahil nga sa malaking responsibilidad para maging role model sa ibang kababaihan.

Inamin ng aktres na nagdadala siya ng kettle bell, yoga mat at jump rope ‘pag nagti-taping para kahit 30 minutes ay nakakapag-workout siya. Binabantayan na rin niya ang kanyang mga kinakain pero kinakain niya ang lahat ng gusto since nagwu-workout naman si Jessy.

Tungkol naman sa napapabalitang ka-date niya ngayong si Luis Manzano, hindi na ito nakapag-deny pa dahil nauna nang inamin ng binata ang kanilang ‘status’. Nasa dating stage sila at wala umanong label ang kanilang relasyon. “Any girl would feel lucky with Luis,” lang ang tumatak na reaksyon nito sa pagkaka-link ngayon ni Jessy kay Luis. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with