^

PSN Showbiz

Modus sa Facebook maraming nabibiktima!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Naalarma ang mga artista nang malaman nila na biktima ng identity theft ang pamilya ni Maricel Laxa. May nagpanggap na Maricel Laxa sa Facebook at nanghingi ng datung sa mga kaibigan ng aktres pero nabuko ang kanyang modus.

May reason para ma­alarma ang mga artista dahil puwedeng mang­yari sa kanila ang naranasan ni Maricel.

Hindi nag-iisa si Maricel dahil may mga poser din ako sa Facebook at Twitter pero matitigas ang mga mukha ng mga impostor dahil kahit paulit-ulit ko na sinasabi na wala akong social media accounts, sige pa rin sila sa paggamit ng pangalan at litrato ko.

Dalawa ang fake na Lolit Solis accounts sa Face­book at hindi pa ito isinasara ng Facebook, sa kabila ng mga reklamo at report na natanggap nila.

Nakalagay sa fake Face­book account ko na nag-aral daw ako sa Pitogo High School. Saan ‘yon?

Nag-aral naman ako sa Ateneo de Manila University ang impormasyon sa ano­ther fake Facebook account na hindi believable dahil sa UP ako pumasok ‘no!

Hanggang ngayon, may mga naloloko pa rin ang poser ko dahil paniwalang-paniwala sila na ako talaga ang binati nila ng happy birthday noong May 20. Pati pala si Divina Valencia, nag-greet din ng maligayang kaarawan sa fake Lolit Solis!

Wish ko lang, pagtuunan din ng pansin ni incoming President Rodrigo Duterte at ng kanyang administrasyon ang mga kalokohan, panloloko at krimen, gamit ang social media o baka kailangan pa na magsumbong ako kay Mark Zuckerberg?

Pero ayaw makumpara kina Heart and Solenn Ryza Cenon nagpipinta na rin

Ongoing ang art exhibit ni Ryza Cenon sa Chef Laudico’s sa P. Guevarra St., San Juan City.

Invited ako sa opening kahapon ng art exhibit ni Ryza pero hindi na ako nakapunta dahil sa meeting ko sa mga bossing ng Viva Films.

Nahilig si Ryza sa pagpipinta dahil na-frustrate siya sa takbo ng kanyang acting career.

Imbes na mag-emote at magmukmok, ibinuhos ni Ryza ang atensyon sa pagpipinta at maganda ang naging resulta.

May mga bumibili na ng mga painting ni Ryza na P5,000 hanggang P80,000 ang halaga.

Ayaw ni Ryza na i-compare siya kina Heart Evangelista at Solenn Heussaff dahil magkaiba raw ang kanilang mga style sa pagpipinta. Abstract painting ang forte ni Ryza samantalang girly-girly naman ang mga art work ni Heart.

Inspired na inspired si Ryza sa pagpipinta dahil nailalabas daw niya ang kanyang emosyon.

Kapag happy si Ryza, makukulay ang kanyang mga art work at kung malungkot siya, dark ang kulay ng mga painting niya.

Inihinto muna ni Ryza ang cupcakes business dahil mas binibigyan niya ng importansya ang pagpipinta.

Waiting din siya sa next project na ibibigay sa kanya ng GMA 7. Ang Buena de Familia ang last project ni Ryza.

Para sa mga gustong makita ang mga painting ni Ryza, go na kayo sa Chef Laudico’s.

Solenn handang layasan ang career para sa asawa

Nakabalik na si Solenn Heussaff mula sa France kaya nag-report na siya kahapon sa taping ng A1 Ko Sa’Yo, ang sitcom ng GMA 7.

Na-miss ni Solenn ang tapings at grand presscon ng A1 Ko Sa’Yo dahil lumipad siya sa France para sa church wedding nila noong nakaraang buwan ng kanyang mister na si Nico Bolzico.

Minsan nang nag-dialogue si Solenn na handa siya na talikuran ang showbiz, alang-alang sa pamilya na bubuuin nila ni Nico.

vuukle comment

FITCH RATINGS

PROPERTY RISKS

RISK CONTROLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with