^

PSN Showbiz

Pauleen ramdam ang ginawa ni Pia Guanio

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Aminado si ??John Arcilla na maingat na siya ngayong tumanggap ng project dahil sa taas ng standard na binigay ng ??Heneral Luna.

Natutuwa naman daw siya sa mga producers na kumukuha sa kanya dahil pawang magagandang projects naman daw at hinahayaan siyang magbigay ng suggestion kung anong magandang atake sa role na ginagampanan niya.

Pagkatapos nga raw ng Heneral Luna, natutuwa siya at binigyan siya ng ??GMA 7 ng ??That’s My Amboy na light lang at nakakaaliw ?ang role na ginagampanan niya.

??“Ang light ng character na familiar sa ‘yo ang istorya,” pakli ng magaling na aktor.

Ginampanan ni John ang role ng isang stunt actor na tatay-tatayan ni ??Barbie Forteza.

Natutuwa rin siya kay Barbie dahil napakakikay daw nito at naging kumpor­table sila agad? sa isa’t isa?. Hindi nga raw sila mapigil ni direk ??Joyce Bernal kapag silang dalawa ang magkaeksena dahil kung anu-anong katatawanan ang ginagawa nila.

Mamayang gabi pagkatapos ng ??24 Oras na magsisimula ang That’s My Amboy.

??PAK: Naloka kami sa ganda ni ??Coco Martin bilang si Paloma sa ??Ang Pro­binsyano. Nagpanggap siyang girl para sa isang misyon at ang buong akala namin si ??Maxene Magalona ang nasa eksena.

Naikukumpara tuloy sila ni ??Ken Chan, kung sino ang mas maganda; si Destiny Rose o si Paloma.

Si Ken naman kasi feel na feel na ang role kaya nabalitaan nga naming pagkatapos daw ng ??Destiny Rose ay baka magpatingin siya sa ?psychologist.

“Minsan kasi hindi ko mapigil may pitik eh. Pero sure naman ako sa sarili ko, ganun pa rin naman ako,” sabi nito sa amin nang mag-guest ito sa? ?CelebriTV.

Hindi naman daw niya sinasara ang sarili sa pagtanggap ng mga ganung role. Kung sakaling mabigyan siya uli ng ganung project, okay na okay pa rin naman daw siya.

??BOOM: Maganda ang feedback sa pagbati ni ??Pia Guanio kay ??Pauleen Luna sa ginawa nilang ??Eat Bulaga pre-wedding episode nila nung kamakalawa ng tanghali.

Emotional si Pauleen sa pagbigay ng mensahe ng mga close friends niyang sina ??Ruby Rodriguez, Patricia Tumulak, Camille Prats, Sherilyn Reyes, at ??Yayo Aguila. Pati ang Mommy ??Chat ni Pauleen ay nagbigay din ng mensahe kaya naging emotional ang actress/TV host.

Pero nang magbigay si Pia na masaya siya sa bagong buhay na tatahakin ni Pauleen at sa desisyong pagpapakasal nila ni ??Vic Sotto, ramdam mo ang sincerity sa mga sinabi nito. Kaya sinuk?l?ian ito ni Pauleen ng mahigpit na yakap.

Sabi naman ni Pauleen nang ?tanungin namin tungkol sa magandang gesture ni Pia, ??“Feel ko naman po eh. Wala naman kaming issue eh, Wala rin silang issue ni Vic.”

Mukhang darating nga si Pia sa kanilang kasal sa darating na Sabado.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

DESTINY ROSE

HENERAL LUNA

LEFT

NAMAN

PAULEEN

QUOT

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with