^

PSN Showbiz

Pareho nang single Gerald at Bea hindi malabong magka-second chance

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Nasa process of mo­ving on and drama ngayon ng nagkahiwalay na magkasintahang Bea Alonzo at Zanjoe Marudo na ang buong akala ng marami nilang ta­ga­hanga ay sa altar mauuwi ang lahat.

Just like other cele­brity couples, hindi garan­tiya ang matagal na relas­yon para mau­wi ang lahat sa kasalan. Kung ma­tatan­daan pa, limang taon tumagal ang relas­yon ng dating magkasintahang Billy Crawford at Nikki Gil pero nagkahiwalay din ang da­lawa. Si Nikki ay may asawa (BJ Albert) na habang si Billy ay may Coleen Garcia na.

Napakarami na ring showbiz break-ups at hindi na rin halos mabilang ang couples na eventually ay nagkahiwalay. Ang mag-asawang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, Pops Fer­nandez, at Martin Nievera, Robin Padilla and his first wife na si Liezl Sicangco, ang mag-asawang Ogie Alcasid at Michelle van Eimeren, Janice de Belen, and John Estrada just to name a few and lately ang mag-asawang Ciara Sotto at Jojo Oconer.

Si Bea ay panandaliang nakarelasyon ang ex-boyfriend nina Kim Chiu at Maja Salvador na si Gerald Anderson. Walang bagong karelasyon si Gerald after his break-up with Maja at loveless ngayon si Bea matapos silang maghiwalay ng nobyong si Zanjoe. May way kaya na muling magkabalikan sina Gerald at Bea considering na ang paghihiwalay ng dalawa ay may kinalaman noon sa mga tagahanga nina Gerald at Kim na siyang pumagitna sa sandaling relasyon nina Gerald at Bea?

Walang imposible lalo na ngayong parehong libreng muli sina Gerald at Bea.

Martin at Pops inaasahan ng fans na magkakabalikan pa

It’s been 13 years magmula nang magkahiwalay ang dating mag-asawang Pops Fernandez at Martin Nievera. Pero marami pa rin sa kanilang mga loyal na tagahanga ang umaasa na magkakabalikan pa rin ang dating mag-asawa.

“We’ve both moved on matagal na and we’re friends,” natatawang pahayag ng Concert Queen na si Pops Fernandez.

“Natatawa na lamang kami ni Mart (tawag ni Pops sa dating mister) dahil up to now, may mga umaasa pa rin talaga na sana’y magkabalikan kaming dalawa. But we’re fine, we’re ok ganun din naman sina Kuya (Robin) and Ram,” dugtong pa ni Pops.

Kilala ni Pops ang girlfriend ngayon ni Martin na may isang anak kay Katrina Ojeda na si Santino. Pero wala nang hurt and bitterness sa kanilang pagitan. Lahat sila ay nakapag-move on na. Nakilala rin ni Martin ang mga nakarelasyon noon ni Pops.

“Pops and I will forever be a loveteam to our fans,” pahayag naman ni Martin.

Kahit busy sa pulitika Vilma hindi pa rin naisasantabi ang pagiging artista

Noong nasa kasagsagan ng kasikatan ang Star for All Seasons na si Vilma Santos, walang mag-aakala na ito’y papalaot sa larangan ng pulitika. Nabago ang lahat nang mapangasawa nito si Sen. Ralph Recto na siyang naging daan at impluwensiya niya sa political world.

Batangas Gov. Vi’s second husband (after Edu Manzado) Sen. Ralph Recto has been a good political mentor to Ate Vi kaya hindi naging mahirap ang pagpasok nito sa daigdig ng pulitika.

Pero sa kabila ng kanyang pagiging abala bilang isang public servant, naisisingit pa rin ni Ate Vi paminsan-minsan ang paggawa ng pelikula tulad na lamang nitong Everything About Her na idinirek ni Bb. Joyce Bernal at pinagsasamahan nila nina Angel Locsin at Xian Lim sa ilalim ng Star Cinema at nakatakdang mapanood sa mga sinehan simula sa January 27.

vuukle comment

ACIRC

ALL SEASONS

ANG

ATE VI

BEA

MARTIN NIEVERA

PERO

POPS

POPS FERNANDEZ

RALPH RECTO

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with