^

PSN Showbiz

?Pauleen aligaga sa pagdating ni Pia, Nagsimula na rin makapagpundar John Arcilla lumaki ang TF dahil sa pagiging ‘heneral’

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nakahanda na ang Hero’s welcome sa pagdating ni Pia Wurtzbach sa bansa.

Si Pauleen Luna ang isa sa pinaka-excited dahil makakadalo ang Miss Universe sa kanyang kasal sa susunod na linggo.

Kaya maaga pa lang ay aligaga na siya sa paghahanda sa kanyang kasal, at pati sa pamimili ng mga gamit sa ipinatayong bahay nila ni Vic Sotto.

Nung kamakalawa lang ay ginugol ni Pauleen ang buong araw sa pamimili ng mga gamit sa bahay, dahil pagkatapos ng kasal ay gusto nilang deretso na sila sa bagong ta­yong bahay sa may Laguna.

Pero magha-honeymoon daw muna sila ng mahigit isang linggo lang.

PAK: Aminado si John Arcilla na tumaas ang talent fee niya pagkatapos ng box-office success ng pelikula niyang Heneral Luna.

“Tumaas nang bonggang-bongga,” natata­wang sagot sa amin ni John nang nakatsikahan namin sa presscon ng bagong drama series ng GMA 7 na That’s My Amboy.

Sabi naman ni John, mismong ang network daw ang nagtaas ng talent fee niya dahil nakikita naman nilang deserve ng magaling na aktor ang ganung presyo.

Dahil sa sunud-sunod at magagandang pro­jects na ibinigay sa kanya, nakakapag-ipon na ba si John at nakapagpundar na rin para sa kanya at sa kanyang pamilya?

“Nagsisimula nang magpundar,” napapangiti niyang sagot.

BOOM: Sa Lunes na magsisimula ang bagong drama series ng GMA Telebabad na That’s My Amboy na pagbibidahan nina Barbie Forteza at Andre Paras.

Kasabay nito ay magsu-showing na rin ang pelikula ni Andre sa Viva Films na Girlfriend for Hire kung saan si Yassi Pressman naman ang ka-partner ng binata.

Tingin naman daw ni Andre hindi ito magkakaroon ng conflict kahit magkaiba ang partner niya sa TV series at pelikula.

Naintindihan naman daw kasi ng fans nila, kaya wala na raw namba-bash kay Barbie at ma­ging kay Yassi.

“In this showbiz naman po kasi, we’re here to entertain people and we’re happy na kahit na sinong loveteam, na-entertain at napasaya po namin ‘yung mga fans po namin, and for me that’s our goal talaga po,” pahayag ni Andre na tuwang-tuwa sa role na ginagampanan niya sa That’s My Amboy.

Ang Girlfriend for Hire naman pala ay magsu-showing na rin sa Feb­ruary 10.

vuukle comment

ACIRC

ANDRE PARAS

ANG

ANG GIRLFRIEND

BARBIE FORTEZA

HENERAL LUNA

JOHN ARCILLA

MISS UNIVERSE

MY AMBOY

NBSP

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with