^

PSN Showbiz

Ate Guy susubok sa regional show

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiyak na magniningning at sasaya pang lalo ang pagdiriwang ng taunang Dinagyang Festival sa Iloilo dahil makakasama ng mga Ilonggo ang paborito nilang artista mula sa Kapuso primetime shows na Wish I May at Little Nanay sa darating na Enero 22 at 23.

Ngayong Biyernes, Enero 22, kilig ang dala ng BiGuel love team na binubuo nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Ang stars ng pinakabagong primetime afternoon series na Wish I May ay makikipagkulitan sa kanilang fans sa Kapuso Mall Show na gaganapin sa Robinsons Iloilo ng ika-5 ng hapon.

Kinabukasan, Ene­ro 23, ang mga bida ng primetime family drama na Little Nanay naman ang magbibigay-aliw sa kanilang fans sa SM City Iloilo ng ika-6 ng gabi. Dito ay makakasama nina Kris Bernal, Hiro Peralta, at Juancho Trivino ang nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor.

Ito ang kauna-unahang regional trip ng Superstar mula nang maging bahagi siya ng Kapuso Network. Sa dramang Little Nanay, ginagampanan ni Nora ang role ni Lola Annie Batongbuhay–ang hip grandma ni Tinay (Kris). Si Tinay ay isang 25-taong gulang na nanay na may pag-iisip ng isang siyam na taong gulang na bata.

 

vuukle comment

ANG

BIANCA UMALI

CITY ILOILO

DINAGYANG FESTIVAL

ENERO

HIRO PERALTA

JUANCHO TRIVINO

KAPUSO MALL SHOW

KAPUSO NETWORK

LITTLE NANAY

WISH I MAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with