^

PSN Showbiz

Gov. Vi at Angel purihan nang purihan!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Proud ang Star for All Seasons at Batangas outgoing governor na si Vilma Santos sa kanyang latest movie under Star Cinema na Everything About Her hindi lamang dahil napakaganda ng pagkakagawa ng pelikula na idinirek ni Bb. Joyce Bernal kundi dahil katrabaho niya for the very first time ang nobya ng kanyang panganay na anak (Luis Manzano) na si Angel Locsin.

Kahit gustong-gusto na ni Gov. Vi na magkaroon ng apo, wala raw sa kanya ang desisyon kung kelan lalagay sa tamimik si Luis.

Kitang-kita rin kay Gov. Vi ang pagiging magiliw nito sa kanyang future daughter-in-law.

Kung panay ang papuri ni Angel sa kanyang magiging mother-in-law, ganoon din naman si Gov. Vi sa kanyang mamanugangin.

Bukod kay Angel, first time ring nakatrabaho sa pelikula ni Gov. Vi ang ka-loveteam ni Kim Chiu na si Xian Lim.

Luv U apat na taon ding tumagal sa ere!

Lahat ng simula ay may katapusan at ito’y nangyayari rin sa mga TV program.

Last Sunday ng hapon ay tuluyan na ring nagpa­alam sa ere ang four-year-old once-a-week youth-oriented comedy show na Luv U na tinampukan na teens na nagmula sa long-running children gag show na Goin’ Bulilit na pinamamahalaan din ni Edgar “Bobot” Mortiz.

Masaya na malungkot ang bumubuo ng cast ng Luv U na apat na taon ding tinangkilik ng mga tele­viewer magmula nang ito’y umere noong Februa­ry 19, 2012. Naging daan din ito para sa kanilang bonding bilang magkakaibigan.

Naging bahagi ng Luv U sina Miles Ocampo, Sharlene San Pedro, Kiray Celis, Marco Gumabao, Alexa Ilacad, Nash Aguas, Jairus Aquino, Mika dela Cruz, Rhap Salazar, Hyubs Azardon, Igi “Boy” Flores, Kobi Vidanes, Edu Nolan, Angeli Gonzales, Alfred Labatos, Tippy dos Santos, Paul Salas, Vanjo Cuenca, Michelle Vito, at iba pa. Nakasama rin sa nasabing programa sina Smokey Manaloto, Joy Viado, Bentong, Alora Sasam, Cai Cortez, at Dominic Ochoa.

Nawala man sa ere ang Luv U, may plano naman ang ABS-CBN na ikalat ang mga teen stars and talents sa iba’t ibang programa ng Kapamilya Network.

Kalyeserye ng EB may umay factor na raw

Dapat siguro gawan na ng paraan ng mga tao behind the success ng Kal­yeserye ng Eat Bulaga ang istorya nito bago pa man tuluyang lumaylay ang segment ng long-running noontime show ng bansa.

Marami kaming feedback na naririnig na nakakaumay at nakakasawa na umano ang napapanood nila sa Kalyeserye kung saan magkakasama ang magka-loveteam na sina Alden Richard, Maine “Yaya Dub” Mendoza at ang tatlong lola na sina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tinidora (Jose Manalo), at Lola Tidora (Paolo Ballesteros) dahil pare-pareho na lang ang kanilang nakikita.

Hindi dapat magpabaya ang mga taga-Eat Bulaga dahil umaariba na naman ang ratings ng katapat nilang programa na It’s Showtime.

Samantala, gusto naming i-suggest na gawing titulo at theme song ang God Gave Me You ng magiging first solo movie together nina Alden at Maine. Napaka-significant kasi ng nasabing titulo at awitin sa tambalan ng dalawa.

Kung hindi sana gahol sa panahon, maganda itong Valentine offering.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARD

ALEXA ILACAD

ALFRED LABATOS

ALL SEASONS

ALORA SASAM

ANG

ANGEL LOCSIN

ANGELI GONZALES

EAT BULAGA

LUV U

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with