^

PSN Showbiz

Cesar hindi na maselan

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Mukhang kailangan nang sanayin ni Cesar Montano ang kanyang sarili na maging pamalit ng mga bidang lalaki na hindi natutuloy sa kanilang proyekto. 

Nung una ay napili siya para palitan si Robin Padilla sa Nilalang. Ngayon naman ay si Derek Ramsay ang papalitan niya sa isang teleserye ng TV5 na pinamagatang Bakit Manipis Ang Ulap na magtatampok kina Claudine Barretto at Diether Ocampo. Tumanggi si Derek sa proyekto dahil ayaw niyang makasama si Claudine.

Vice ganda at coco dapat bigyan din ng kredito sa success ng beauty...

Unfair na ibigay ang kredito sa takilya ng Beauty and the Bestie sa JaDine. Kung ang My Bebe Love ay dinala ng AlDub, minor lamang ang appearance ng JaDine sa movie ni Vice Ganda. 

Ibigay natin ang credit ng movie where it is due - kina Vice, Coco Martin , direk Wenn Deramas, yung dalawang support comics, pero huwag naman sa JaDine lang bagaman at nakatulong sila.

Janine mga lola ang gustong makatrabaho

Tiwala sa kanyang nobyong si Elmo Magalona ang pangunahing dahilan kung bakit ni walang epekto kay Janine Gutierrez ang ginagawang pagpapareha ng ABS-CBN sa dating Kapuso actor kay Janella Salvador.Sa halip na ma-rattle, mas pinagtutuunan ni Janine ang kanyang mga gawain sa GMA. Bukod pa rito, matapos niyang gawin ang Buy Now, Die Later, ay naging mabenta na siya sa indie films. 

Ginagawa niya ang Lila at Dagsin para sa dalawang indie film festival na nakatakda sa taong ito. Kesa pag-aksayahan ng panahon ang mga intriga at kontrobersya na pinalulutang ng marami para sirain sila ni Elmo, mas gustong paghandaan ng anak ni Lotlot de Leon ang posibilidad  na makasamang muli sa isang proyekto ang lola Nora Aunor niya at ang posibleng pagdu-duet nila ng lola Pilita Corrales niya sa isang palabas o album.

Galing ni Pacman sa boksing, ‘di sana tingnan ng mga boboto

Nakalulungkot naman kung mananalo sa eleksyon si Manny Pacquiao dahil sa pagiging  boksingero niya at hindi dahil sa maganda niyang rekord bilang kongresista. Kahit wala siya sa bansa at may laban sa abroad, mas malakas ang impact na magagawa ng kanyang paghahanda sa kanyang laban kaysa sa pag-iikot na gagawin niya para kumuha ng boto. 

Kapag nanalo pa siya, made na siya bilang senador. ‘Yan ang eleksyon sa Pilipinas!

vuukle comment

ALIGN

ANG

BAKIT MANIPIS ANG ULAP

BEAUTY AND THE BESTIE

BUY NOW

CESAR MONTANO

CLAUDINE BARRETTO

COCO MARTIN

NBSP

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with