^

PSN Showbiz

Pangako Sa ‘Yo, most Googled TV show noong 2015, Jodi at Ian nadala sa proposal!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi lang fans ang nadala sa eksena kung saan inalok ni Eduardo ng kasal si Amor sa Pangako Sa ‘Yo, dahil maging sina Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria na ginagampanan ang mga karakter ay naramdaman din ang emosyon sa inaabangang marriage proposal.

“’Nu’ng na-shoot namin ‘yung proposal scene naramdaman ko ‘yung eksena talaga. Siguro kasi alam na namin ang characters namin, ang past nila, ang pinaghuhugutan nila,” pahayag ni Ian sa panayam nila sa TV Patrol.

“Na-excite ako for Amor and Eduardo kasi ang tagal nilang hinintay ang moment na ‘yun. Ano man ang mangyayari sa wedding, ‘yun ang dapat nilang abangan,” saad naman ni Amor.

Habang abala na sa kanilang wedding preparations sina Eduardo at Amor, nakikipagbuno naman si Claudia (Angelica Panganiban) sa kanyang alaala ngayong natuklasan na niyang malakas ang nararamdaman niya sa pangalang “Amor.” Kailan nga ba magkikitang muli ang tatlo? Matutuloy nga kaya ang kasal nina Eduardo at Amor?

Samantala, hindi lang sa ratings at pagiging trending sa social media na­ngunguna ang Pangako Sa ‘Yo, dahil ito rin ang naging numero uno pagdating sa popularidad sa Google Philippines. Ayon sa naturang search engine, ang teleseryeng pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang naging most searched TV show sa bansa noong 2015.

Huwag palampasin ang mas kapanapanabik na mga tagpo sa classic love story, Pangako Sa ’Yo, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Pokemon Black and White, mapapanood na sa GMA

Simula ngayong Lunes (Enero 11), kakaibang adventure ang haharapin nina Ash at Pikachu sa Pokemon Black and White. Sa paglalakbay nila sa Unova region, makakaharap nila ang iba’t ibang kalaban, kaibigan, at Pokemon na ngayon pa lamang nila makikita. Matapos matuklasan ni Ash ang isang kakaiba at nakakamanghang Pokemon ay naging pursigido siyang hanapin ito at hulihin.

Sa mga panibagong pagsubok na haharapin ni Ash, maging matagumpay kaya siya sa pagha­hangad na maging Pokemon Master?

Subaybayan ang kanyang adventures kasama si Pikachu sa Pokemon Black and White, tuwing Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Doraemon sa GMA-7.

vuukle comment

ACIRC

AMOR AND EDUARDO

ANG

ANG PROBINSYANO

ANGELICA PANGANIBAN

DANIEL PADILLA

EDUARDO

GOOGLE PHILIPPINES

IAN VENERACION

PANGAKO SA

POKEMON BLACK AND WHITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with