Sam Pinto hindi nakilala nang gumala na walang makeup
SEEN: Si Vice Ganda ang special guest sa block screening ng Beauty and The Bestie sa Robinson’s Magnolia Cinema noong Linggo.
SCENE: Spotted sa Robinson’s Magnolia Cinema si Sam Pinto at ang kanyang mestizo boyfriend. Hindi nakilala si Sam dahil hindi siya naka-makeup.
SEEN: Hindi sanay ang mga tao na napapanood na nagmumura si John Lloyd Cruz sa pelikula na ginawa niya sa Honor Thy Father.
SCENE: Effortless at natural ang acting ni Jericho Rosales sa #WalangForever kung ikukumpara sa performance ni John Lloyd Cruz sa Honor Thy Father.
SEEN: Ang pasasalamat ni Andrew E. sa Viva Entertainment dahil sa patuloy na pagtuklas nito ng mga bagong talent. Judge si Andrew E. ng Born To Be A Star ng Viva Entertainment at ito ang nagbigay sa kanya ng malaking break sa recording at pelikula noong dekada ’90.
SCENE: Bawal muna ang fresh flowers sa tahanan ni Gretchen Barretto sa Forbes park dahil sa kanyang allergy.
SEEN: Nag-renew kahapon si Regine Velasquez ng exclusive contract sa GMA 7. Dalawang programa ang project ni Regine sa kanyang home studio ngayong 2016.
SCENE: Ipinagdiwang kahapon ni Vhong Navarro sa It’s Showtime ang kanyang 38th birthday. Kahapon ang actual birthday ng TV host/comedian.
- Latest