^

PSN Showbiz

Susunod sa JaDine Alden at Maine nagpa-plano na ring mag-concert

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Tama ba ang nabalitaan naming may planong iprodyus ng GMA Network ang concert nina Alden Richards at Maine Mendoza?

Ang planong concert daw ang rason kung bakit hindi pinayagan ng kani-kanyang management ang dalawa na manood ng concert ni Bryan White dahil mape-preempt ang paglabas nila sa concert.

Next year nakaplano ang concert ng AlDub na kung matutuloy, siguradong co-produced ng GMA Net­work at APT Entertainment ni Mr. Tony Tu­viera.

Sa March 2016 naman ang target ng launching movie nina Alden at Maine.

Ang plano ng GMA Network na iprodyus ang con­cert ng AlDub din daw ang isa pa sa mga rason kung bakit hindi tinanggap ng network ang offer na concert kay Alden.

Mukhang sa concert naman sunod na magpa­palig­sahan ang mga sikat na young love team ng bansa.

Mauuna na ang JaDine love team, saka sumunod na ang AlDub na at baka sumunod na rin ang KathNiel at LizQuen.

Si Daniel Padilla pa lang ang nagko-concert at guest lang niya si Kathryn Bernardo at sa LizQuen love team, si Enrique Gil pa lang ang nagkaroon ng concert at hindi pa niya nakakasama si Liza Sobe­rano.

Samantala, nakabalik na sa Manila ang AlDub love team from Cebu and Davao kung saan nag-promote sila ng My Bebe Love kasama sina Vic Sotto at AiAi delas Alas. Bukas, ang premiere night ng nasabing pelikula sa Cinema 9 & 10 ng SM Megamall naman ang kanilang paghahandaan at ang Parade of Stars sa Dec. 23.

Para maiba naman John Lloyd may pinabago sa kontrata sa Star Cinema

Fan si Mother Lily ni John Lloyd Cruz, kaya tuwang-tuwa ito sa aktor sa presscon ng Honor Thy Father, isa sa walong entry sa MMFF 2015.
Sa harap ng press, sinabi ni Mother Lily na sana ma­kagawa ng movie sa film company niya ang aktor at ikinatuwa ng lady producer ang sagot ng aktor na kaya nandu’n siya (sa Valencia place ni Mother Lily) para pag-usapan na ang project.

Pero posible ngang matupad ang dream ni Mo­ther Lily na makuha si John Lloyd for a movie sa Regal lalo na kung si Erik Matti ang director at co-produced ng Reality Films na producer ng Honor Thy Father.

Malaki ang tiwala ni John Lloyd kay Direk Erik at kay Dondon Monte­verde at alam niya na good project lang ang ibi­bigay sa kanya.

Nabanggit din ni John Lloyd na sa bagong kontra­ta niya sa Star Cinema, may isinama siyang provision at inayos niya ang nasabing provision.

Parang ang provision na ‘yun ay ang option na makagawa siya ng movie outside Star Cinema.

Kahit presscon ng Honor Thy Father at excited kay John Lloyd,  hindi nakalimutan ni Mother Lily na i-remind ang press na isulat ang Haunted Mansion na entry naman ng Regal Entertainment.

Palibhasa todo exercise siya para pumayat Solenn nabuwisit sa mga nagpo-promote ng diet pills

Nainis na rin si Solenn Heussaff sa mga nag-a-advertise ng kanilang pro­dukto sa kanyang Instagram (IG), kaya sinabihan ang isang walang tigil nang kapo-promote ng reducing weight without exercise raw na tumigil sa ginagawa nito.

“Please stop advertising on my page thank you. People need a balanced lifestyle and diet and exercise to lose weight.”

Nag-sorry, pero humirit pa rin ang nag-post na effective ang kanilang produkto kahit walang exercise.

May rasong mainis si Solenn dahil naghihirap nga naman siyang mag-workout para pumayat nang hindi umiinom ng kahit anong diet pills, tapos may magpo-promote ng diet pills sa kanyang page.

Anyway, napapanood pa rin si Solenn sa MariMar at tinatapos ang Regal Entertainment movie na Love is Blind kasama sina Derek Ramsay, Kiray at Kean Cipriano.

Inihahanda na rin nina Solenn at Lovi Poe ang pre-Valentine’s Day concert nila sa Music Museum billed Fantaisie sa February 6.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CONCERT

HONOR THY FATHER

JOHN LLOYD

MOTHER LILY

NBSP

REGAL ENTERTAINMENT

SHY

SOLENN

STAR CINEMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with