^

PSN Showbiz

Paolo Bediones miss na miss na ang mag-trabaho

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Inamin ni Paolo Bediones na malaking kasiraan sa kanyang karera bilang news anchor ang is­kan­dalong kinasangku­tan niya, pero sa halip na gugu­in ang panahon niya sa lungkot at panghihina­yang ay mas pinili niyang pagtuunan ng pansin ang ibang bagay na makakapagpasaya sa kanya. Nagtayo siya ng isang negosyo, isang bistro o resto bar na malaki na ang inunlad mula nang magsimula itong mag-operate nung Oktubre ng nakaraang taon.

Ito ang Punta na mata­tag­puan sa Mandaluyong na naging popular nang puntahan dahil sa masa­rap nitong pagkain at musical entertainment na mula sa mga banda at grupo.

Nung gabing pun­ta­han namin siya para i-caro­ling ay inabu­tan na­min siyang na­k­ikipag-jamming sa kanyang featured en­tertainer for the night. Hindi man siya kuma­kanta, makikita siyang tu­­mutugtog ng piano at naggigitara na lalong nag­papatingkad sa kan­yang personalidad.

Inamin ni Paolo, na miss na miss na niya ang paggawa ng mga reality show, dokyu, pageants at iba pang palabas na nagpatingkad sa kanya bilang host, pero wala siyang sama ng loob sa network niya. Pasalamat na lamang siya na may prog­rama pa rin naman siya sa TV5.

Nakatakda siyang pu­munta ng Bogo, Cebu para sa programa niyang Rescue 5. Magtatapos na ang kontrata niya sa TV5 sa buwang ito.

John Lloyd siguradong kinatatakutan 

Bakit ba kapag napapasali si John Lloyd Cruz sa mga filmfest, agad nang naiisip na siya na ang mag-uuwi ng tropeo ng best actor? Pa­habol lamang ang movie niyang Honor Thy Father sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015, pero siguradong nagbibigay na ng alalahanin sa mga artistang kalahok sa filmfest ang presence niya. Lalo’t kila­la naman ang ditektor niyang si Erik Matti sa pag­gawa ng magaganda at makabuluhang pelikula. Nagpaahit pa siya ng ulo para maging kapani-paniwala sa kanyang role.

Kaguwapuhan ni Gabby umuuso uli

Mukhang bumabalik sa uso ang mga mas may edad nang aktor na si Gabby Concepcion. Bago siya, nauna nang pinagpantasyahang muli si Ian Veneracion bilang kapareha naman ni Jodi Sta. Maria sa Pangako Sa ‘Yo. 

Umaagaw muli ng interes at papuri ng mga manonood ng TV ang ex ni Sharon Cuneta at ama ni KC Concepcion sa kanyang pagganap bilang leading man ni Carla Abellana sa bagong palabas ng GMA, ang Because of You.

Sa kanyang edad ay marami pa rin ang kinikilig sa matikas na aktor. Higit pa nga silang kinakikiligan ni Carla kaysa sa una nitong kaparehang si Tom Rodriguez.

Matagumpay ding nagawa ni Ian Veneracion na kinuha sa All You Need Is Pag-Ibig kasama si Jodi Sta. Maria para magbigay kilig sa movie nina Kris Aquino at Derek Ramsay.

Pastillas Girl nakitaan ng talent ng Viva?

Sa TV5 at hindi sa ABS-CBN mapapanood si Angelica Yap, aka Pastillas Girl na nadiskubre sa programang It’s Showtime. Pansamantala ngang ipinangtapat ng IS ang kanyang dating game segment sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Nakita marahil ng Viva ang potensyal niya kung kaya kinuha siya para ma­ging talent nito at pagkapirma ay inilagay agad siya sa TV5.

Nakita siya’t nakilala ng media sa Christmas party for the press ng network.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ALL YOU NEED IS PAG-IBIG

ANG

IAN VENERACION

LEFT

PASTILLAS GIRL

QUOT

SHY

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with