^

PSN Showbiz

‘Di malilimutan ang mga ginawa nila, Marlo nalungkot sa pamamahinga nila ni Janella

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Marlo Mortel dahil sa pagkakaroon ni Janella Salvador ng bagong katambal para sa susunod na teleserye ng dalaga. Sa susunod na taon ay si Elmo Magalona ang makakatambal ni Janella para sa Born For You. “’Yung pakiramdam na magkakahiwalay muna kami ni Janella, siyempre malungkot. Kasi nasanay na kami na laging magkasama. Ako sanay na sanay ako na kasama siya and sobrang enjoy ako ‘pag kasama ko siya. So siyempre malungkot kasi mamamahinga muna kami. But I’m very happy for her kasi magkakaroon siya ng bagong teleserye with a new partner. So bagong experiment na naman sa career niya. So masaya ako para sa kanya,” nakangiting pahayag ni Marlo.

Magkatambal ang aktor at si Janella sa pelikulang Haunted Mansion na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Kapaskuhan. Habang ginagawa ang nasa­bing proyekto ay hindi pa raw kaagad nalaman ni Marlo na may bagong katambal si Janella sa susunod na proyekto nito. “Nalaman ko lang siya, kung kailan ina-announce na sa TV, no’ng nag-presscon sila. Doon ko lang nalaman na si Elmo na,” kwento ni Marlo.

Ngayon pa lamang ay mami-miss na raw ng aktor ang ilang mga ginagawa ni Janella sa kanya. “Makulit kasi siya. Lagi niya akong kinukulit lalo na ‘pag tulog ako. Lagi niya akong pini-picture-an, nang-aasar siya. Totoo naman kasi talaga ‘yung friendship na­ming dalawa. Nasasabi ko sa kanya lahat and siya rin. Mami-miss ko ‘yung friendship namin and feeling ko naman hindi ‘yon mawawala. Malay n’yo in the near future, mag-partner ulit kaming dalawa,” pagtatapos ni Marlo.

Annabelle maraming pasabog na ‘kalandian’

Masayang-masaya si Annabelle Rama dahil natupad na ang pangarap niyang makapagsulat ng isang libro. Marami raw matututunan ang mga mambabasa sa kanyang ‘Day Hard! na inilabas ng ABS-CBN Publishing tungkol sa buhay at pag-ibig. “Marami silang makikita sa libro. Sinasabi ko mura na mag-e-enjoy pa sila sa pagbabasa ng libro ko. Lahat ‘yan ay puro katotohanan, walang dagdag, walang kulang,” bungad ni Annabelle.

Mababasa rin sa nasabing libro ang tungkol sa love life nila ng asawang si Eddie Gutierrez. “Kasi nahirapan akong kunin ang aking minamahal. Dapat ‘Day Hard ‘Dong! ‘yon kaso tinanggal ang ‘Dong,” natatawang pahayag ni Annabelle.

Maraming pinagdaanan ang buhay pag-ibig nina Annabelle at Eddie at hinding-hindi raw makalilimutan ng aktres lalo na noong nagsisimula pa lamang sila. Ngayon ay apat na dekada nang kasal ang mag-asawa. “Sa lahat ng mga gustong malaman kung paano ko nakuha si Eddie, basahin n’yo ang libro ko. Hindi malandi ‘yan kasi minahal mo ang tao. Ang tawag diyan, pinaglalaban mo ang pagmamahal mo. Ngayon siya naman ang nagmamahal sa akin. Kasi nagseselos na din siya sa akin, nagtatanong kung saan ako pupunta. Dati he doesn’t care,” pagbabahagi pa niya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

BORN FOR YOU

DAY HARD

JANELLA

KASI

MARLO

NGAYON

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with