^

PSN Showbiz

Aktor pinagmaldituhan ang taong nakadiskubre!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ay pinagkumpara nila ang dalawang sikat na artistang lalaki. Pareho silang sinuwerte sa pinasok nilang mundo, parehong nabiyayaan ng magagandang oportunidad, napakalaki nga lang ng pagkakaiba nina Actor A at Actor B.

Mas naunang nagkapangalan si Actor A. Palaging panalo sa takilya ang mga ginagawa niyang pelikula. Kahit sino ang makapareha niya ay siguradong pipilahan pa rin ang pinagbibidahan niyang pelikula.

Ang maganda kay Actor A ay marunong siyang lumingon sa kanyang pinanggalingan. Pati ang mga taong nakatulong sa kanya ay tinatanawan niya ng utang na loob at hindi nakakalimutan.

Kapag tumatanggap siya ng parangal, kapag iniinterbyu siya ay hinding-hindi nawawala sa kanyang litanya ang taong nakadiskubre sa kanya sa isang mall, ‘yun ang katangian ni Actor A na lutang na lutang.

“Kaya palagi siyang on top, hindi siya nawawala, hindi niya nakakalimutan ang mga taong naging dahilan ng pagsikat niya. ‘yung discoverer niya, hanggang ngayon, e, pinasasalamatan niya pa rin at palaging kinukumusta.

“Ganu’n dapat ang mga artista, pinahahalagahan dapat nila ang mga taong sa malaki at sa maliit na paraan, e, kumumpleto sa pangarap nila,” sabi ng isang source sa umpukan.

Samantala, si Actor B ay nadiskubre naman sa isang patimpalak sa kanilang probinsiya, ang beki ang nagdala sa kanya sa network na kinabibilangan niya ngayon.

Kapag iniinterbyu ang sikat na ring aktor ay hindi man lang nito binabanggit ang pangalan ng kanyang discoverer, ni kapiranggot na pagtanaw ng utang na loob ay wala, ‘yun ang katotohanang ikinalulungkot ng mga taong nakakaalam ng kanyang pagsisimula.

Pagtatapos ng isang source sa umpukan, “Okey na sana ‘yun sa discoverer, pero ang pinakamasakit, in-unfriend pa siya sa FB ng sikat nang discovery niya!”

Ubos!

AiAi puring-puri ng mga magulang ng mga kasamahan ni Jiro sa wellness center!

Akala pala ng ibang mga kababayan natin ay press release lang ang ginagawang pagtulong ni AiAi delas Alas kay Jiro Manio. Akala ng mga ito ay puro salita lang ang lahat, eksaherado lang, hanggang sa isang araw ay sila mismo ang nakapagpatunay kung gaano katutok ang Comedy Concert Queen sa sitwasyon ng batang aktor.

Kuwento ng aming source ay nasa naturang wellness center din ang isang anak ng kanyang kaibigan. Nakasabay nito sa pagpunta du’n si AiAi.

“Totoo palang siya ang tumutulong kay Jiro, mula sa pagdadala sa wellness center hanggang sa pagtse-check sa anak-anakan niya, e, talagang very visible si Ms. AiAi.

“Sabi nga ng friend ko, e, puring-puri raw si AiAi du’n ng mga parents. Bakit nga naman, e, hindi niya naman kaanu-ano si Jiro, naging anak lang niya sa pelikula, pero todo-todo ang pag-aasikaso niya sa bata.

“Naging instant fans ni AiAi ang mga parents, pinatatawa lang daw sila ni AiAi dati, pero ngayon, e, sobrang pinupuri at hinahangaan na nila,” kuwento ng teacher naming kaibigan.

Dahil sa kagandahan ng puso ng komedyana ay isa lang ang maibabalik nila, “Sa first day showing ng movie nila ni Bossing Vic (Sotto), manonood talaga kaming magkakaibigan. Panonoorin namin ang My Bebe Love, du’n man lang, e, mapremyuhan namin ang kabutihan ni AiAi kay Jiro Manio.”

Hindi lang kay Jiro Manio, napakarami nang natutulungan ng Comedy Concert Queen na hindi lang napapabalita, anumang ginagawa ng kanan niyang kamay ay hindi na niya ipinaaalam pa sa kaliwa.

‘Yun ang malakas na hangin na patuloy na nagtutulak paitaas sa Comedy Concert Queen.

vuukle comment

ACIRC

ACTOR A

ACTOR B

AIAI

ANG

COMEDY CONCERT QUEEN

HINDI

JIRO MANIO

LANG

MGA

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with