^

PSN Showbiz

Basher supalpal Pauleen sumumpang hindi iiwan si Vic kahit uugud-ugod na

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi na nakatiis si Pauleen Luna sa ba­shers na walang binabantayan kundi ang kilos nila ng fiancé niyang si Vic Sotto. Pumalakpak kami nang sagutin ni Pauleen ang nag-comment sa IG kung bakit si Vic ang pinili niyang pakasalan, kahit malayo ang agwat ng edad nila.

Sabi pa ng nagtanong, 60 years old na si Vic ngayon and in a few years, he’ll turn 70, kaya dapat daw mag-isip-isip si Pauleen.

Sagot ni Pauleen, “So what if he’ll turn 80 in a few years! Ikaw ba, iiwan mo asawa mo kapag tumanda siya?”

Winner ang sagot ni Pauleen sa basher na natameme at hindi na nag-comment uli. Bukod sa ipinagtanggol si Pauleen ng kanyang followers, wala naman talagang karapatan ang sinuman na pakialaman ang desisyon nina Pauleen at Vic. Masaya ang dalawa sa kanilang relasyon at ikakasal na nga sa January 2016.

By this time, baka nakabalik na ang engaged couple after ng vacation nila sa Hong Kong. Umalis sila after ng presscon ng My Bebe Love at baka last vacation na nila ito before their wedding. May cameo pala si Pauleen sa MMFF entry, kaya may rason kung dadalo siya sa premiere night sa December 21.

Direktor ng show nina Alden at Julie Anne titigbakin na?! 

Hindi kami sinagot ng taga-APT Entertainment sa tanong namin kung pinalitan na ba ang director ng Sunday PinaSaya na si Rich Ilustre. Ang APT Entertainment ang producer ng Sunday show na umeere sa GMA 7 at sa credits after ng show, pangalan na raw ni direk Louie Ignacio ang naka-credit.

Ang tungkol doon sana ang aming itatanong sa taga-APT Entertainment. Aalamin namin kung totoong napalitan na siya o sa last Sunday episode lang dahil guest si Maine Mendoza.

Ang alam namin, si Rich din ang director ng Saturday episode ng Eat Bulaga, ano na kaya ang status niya roon? Kung siya pa rin ang director ng EB tuwing Saturday, magkikita pa rin sila nina Alden at Maine.

Ang daming naaapektuhan sa nangyari, may tra­bahong mawawala pa yata. May fans na patuloy na nag-aaway sa social media at may friendship pa yatang masisira. Ang maganda lang, nagkausap na sina Maine at Julie Anne San Jose, ipinag-sorry ni Maine ang fans nila ni Alden at siguro naman, ipinag-sorry din ni Julie Anne ang nam-bash niyang fans kay Maine.

Sana ang kasunod nito ay ang pagbabati nina Alden at Julie Anne para wala nang iwasan at para mas natural ‘pag magkasama sila sa eksena.

Liza nagpunta pa ng Italy para sa serye

Nakita namin ang pinost na pictures sa Instagram (IG) nina director Cathy Garcia-Molina at Liza Soberano habang nasa Italy sila para sa bagong tele­seryeng Dolce Amore.

Si Liza lang ang dinala sa Italy dahil kailangan sa karakter niya ang mga eksena rito at Italian princess ang role niya. Wala pang binabanggit ang ABS-CBN kung sino ang ka-loveteam ni Liza.

Kung makasama man sa cast si Matteo Guidicelli, third wheel daw ang role nito kina Liza at Enrique GIl.

May teaser nang ipinalalabas ang Dolce Amore kahit sa 2016 pa ang airing nito at nag-trending na agad. Ang sabi, ito raw ang ipapalit sa Pangako Sa’Yo.

Laplapan nina Gabby at Carla inaabangan 

Marami ang kinikilig at tanggap ng viewers ang tambalan nina Gabby Concepcion at Carla Abellana sa Because of You. May mga nagtatanong na kung magkakarelasyon ba ang karakter ng dalawa.

Excited ang viewers malaman ang love story nina Jaime (Gabby) at Andrea (Carla). Heto pa, may nagtatanong kung magkakaroon ng kissing scene ang dalawa.

Natanong ng movie press sina Gabby at Carla tungkol sa kissing scene at sagot ng dalawa, kung kailangan sa eksena ay bakit hindi? Nang tinanggap nila ang project, kasama rito ang kissing scene kung magkakaroon man

Dati nang nagkasama sa movie sina Gabby at Carla, kaa siguro naman ay may kissing scene na sila.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BECAUSE OF YOU

CARLA

CARLA ABELLANA

DOLCE AMORE

JULIE ANNE

KUNG

NBSP

NINA

PAULEEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with