^

PSN Showbiz

Presidentiable nag-pramis ng P2-Billion ad sa isang network!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naku dapat bantayan ito ng Commission on Elections (COMELEC). Ayon sa isang source, nag-commit ang kampo ng isang presidentiable sa isang TV network na magbibigay siya ng political ads worth P2 billion.

Yup, tumataginting na P2 billion umano ang pramis ng kampo ng isang presidentiable.

Malamang na ito raw ang rason kaya hindi na itinuloy ang sinasabing bentahan ng nasabing network, dahil dun pa lang kita na sila.

Siyempre, walang tatanggihan ang network pero ang dapat bantayan ay ang presidentiable kung true ito ha.

Ang daming nangangailangan. ‘Wag naman sana silang magwaldas ng bilyones sa airtime. Mas mananalo siguro ang kandidato kung ipamimigay na lang niya ‘yun sa mahihirap na nangangaila­ngan at hindi niya payayamanin ang mga network. Juice colored, iilan ang yayaman sa mga network pero ‘pag mahihirap at nangangailangan ang makikinabang ng nabanggit na halaga kung totoo ‘yun ha, maganda pa ang magiging karma sa nasabing presidentiable at sa kanyang mga alipores.

Robin nasasabik sa bagong gagawin

Certified Kapamilya na uli si Robin Padilla matapos pumirma ng dalawang taong kontrata sa ABS-CBN noong ika-9 ng Disyembre. Isa sa mga nakalatag niyang proyekto ay ang family-oriented teleserye na tumatalakay sa ama at anak. Nang tanungin ang nararamdaman sa kanyang pagbabalik, ibinahagi ni Binoe na, “Siyempre lagi akong nasasabik sa ganitong mga klase ng bagay.  Sa tingin ko ang ABS-CBN kasi progressive siya, palaging nag-iiba.”

Dumalo rin sa pirmahan ng kontrata sina Betchay Vidanes na manager ni Robin Padilla, ABS-CBN Free TV – Channel 2 and DTT Channels head Cory Vidanes, ABS-CBN chief operating officer Carlo Katigbak, at TV Production head Laurenti Dyogi.

Dingdong at Marian alternate sa pag-aalaga ng baby

 Ngayong lumabas na si Baby Zia, may kanya-kanya raw shift sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa pagbabantay sa anak. A t kagabi nga, ang nakatoka ay ang Primetime King na todo bantay sa anak para matugunan agad ng pansin ang pangangailangan ng kanilang panganay.

Hindi iniinda ng actor ang antok basta nag-aalaga sa kanilang unang supling ng reyna ng GMA.

Julie Anne San Jose, sa malaking venue na sana ang concert

 Naka-tsikahan namin si Julie Anne San Jose at kanyang nabanggit na magkakaroon siya ng concert next year. Pinaplano na kung kailan ang exact date at kung saan ito gaganapin.

Oh wow. Sana nga sa malaking venue na. ‘Di hamak naman na totoong singer siya. Hihihi.                                               

vuukle comment

ACIRC

ANG

BABY ZIA

BETCHAY VIDANES

CARLO KATIGBAK

CERTIFIED KAPAMILYA

CORY VIDANES

DINGDONG DANTES

JULIE ANNE SAN JOSE

NBSP

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with