^

PSN Showbiz

Robin at Mariel magkapisan na rin sa Kapamilya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang balik-ABS-CBN si Robin Padilla pagkatapos lumabas sa TV5, balik Viva Films din siya dahil gagawa siya ng pelikula next year.

Ayaw pang sabihin kung anong pelikula ang nakatakdang gawin ni Robin, hintayin na lang daw dahil tiyak na malaki dahil matagal din itong hindi gumawa ng movie sa itinuring na home studio.

Bawal pa rin sabihin ang show ni Robin sa ABS-CBN, pero tiyak na ang pagbabalik nito sa Kapamilya Network.

Pumirma na ito ng kontrata at hinihintay na lang kung kailan sisimulan ang gagawing show.

Ibig sabihin, pareho nang nasa ABS-CBN uli sina Robin at asawang si Mariel Rodriguez, puwede silang magsama sa isang show.

Dahil sa pag-eendorso kay Mar, Carla inayawan ng ibang followers

In-unfollow si Carla Abellana ng ilan niyang followers sa Instagram (IG) dahil lang nakita siya sa TV ad campaign ni Mar Roxas.

May mga na-disappoint sa kanya at sa choice niya at sana raw, hindi na lang siya nag-endorse ng kahit sinong kandidato.

Pero tama ang ibang followers ni Carla sa sinabing irespeto na lang ang choice ng aktres.

Tama rin ang nag-comment na hindi porke’t in-endorse ni Carla si Mar ay iboboto na nito, magkaiba raw ang trabaho sa personal.

Mabuti at hindi na sinagot ni Carla ang nang-aasar at nagtatanong kung ano ang kapalit ng pag-i-endorse niya kay Mar.

Pati ang mga kasama niyang artista na kasama sa TV ad campaign.

Ang kaigihan lang, kahit in-unfollow si Carla at disappointed sila sa choice nito, nangako naman silang tuloy pa rin ang panonood sa Because Of You na isa sa mga bida ay si Carla. Ihihiwalay ng kanyang fans ang personal sa career ng aktres at sabi naman ng iba sa kanila, babalik sila sa pagpa-follow sa IG ni Carla after the 2016 elections.

Maine at Alden hindi magsasama sa mall shows

Naka-schedule this week ang presscon ng My Bebe Love: Kilig Pa More at kung padadaluhin ng APT Entertainment si Maine Mendoza o Yaya Dub, first presscon niya ito.

Tiyak na may magtatanong kung magkano na ang kinita ni Maine sa marami niyang endorsements at kung magkano ang talent fee niya sa kanyang unang pelikula.

Maitanong nga rin sa APT Entertainment kung totoong kung may mall show man ang cast ng My Bebe Love, hindi pagsasamahin sina Maine at Alden para maiwasan ang pagkakagulo ng tao. Kukumpirmahin din namin kung tama ang tsikang ang premiere night ng pelikula ay gaganapin sa tatlong sinehan ng SM Megamall para mapagbigyan ang ma­­ra­­ming gustong makapa­nood sa first movie ng AlDub.

Sid naghubad-hubad sa Toto

As a moviegoer, masa­ya kaming nakapanood ng magandang pelikula sa loob ng dalawang araw. Una naming napanood ang Anino Sa Liwanag Ng Dilim na ‘pag napa­nood ninyo, maniniwala kayo sa sasabihin na­ming mahirap kalimutan ang pelikula nina LJ Reyes, Anthony Falcon at Luis Alandy at ang direction ni Jun Lana.

Sunod naming napanood ang indie film na Toto sa direction ni John Paul Su. Ang ganda rin ng pelikula na pinagsama ang drama at comedy, kaya nang matapos, wagas ang palakpak namin.

Muling nagpakita ng kanyang puwit si Sid Lucero, ipinakita ang hubad na katawan at walang pakialam na ipinakita ang “dad body” sa eksenang naka-underwear lang siya. Magugustuhan ng mga nagpapantasya kay Sid ang mapapanood sa Toto.

Nagulat lang kami dahil first movie pala ito ni Sid sa MMFF? Well, he will not disappoint his fans here at pati dialogue at love scene nila ni Mara Lopez at Liza Diño panalo rin.

Ipalalabas ang Toto sa select cinemas ng Ro­binsons Place Manila Midtown Cinema, Glorietta 4 at SM Megamall sa December 17-24.

Kasali ang movie sa MMFF New Wave 2015 at malaki ang tsansang manalo ng awards.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANINO SA LIWANAG NG DILIM

ANTHONY FALCON

CARLA

KUNG

LANG

MY BEBE LOVE

NBSP

SHY

SID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with