^

PSN Showbiz

Yaya Dub nagalit kay Carla dahil sa aso?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Si Maine Mendoza ba mismo ang galit kay Carla Abellana dahil sa pagdadamit nito sa aso niya ng costume ng una? 

Mismong si Carla ang nag-post ng larawan ng aso niya at proud pa siya sa pagsasabing nanalo ito ng prize for its costume. 

May fans si Maine na na-offend kaya in-unfollow siya sa Instagram.

Wala namang nakikita si Carla na dapat ikagalit sa kanya ng fans ni Maine. Baka kung nilagyan pa niya ito ng maskara ng mukha ng sikat na personalidad, saka sila magalit dahil pambabastos na ‘yun pero, hindi naman eh.

And I... Parang pelikula 

Parang pelikula naman ‘yung na­pa­nood kong one week episode ng And I Love You So. 

Maiingay lang ang fans na nakaupo sa carpeted na sahig ng Dolphy’s Theater kaya nawawala ang concentration ko sa panonood at na-rattle ako. Sana naman sa public screenings na lang sila magsisigaw, sa mga invitational premieres, quiet na lang sila. 

Pero kanino kaya silang fans, kay Julia Barretto, Miles Ocampo, o Iñigo Pascual?

Dumalo sa screening ang magulang nina Julia at Iñigo na sina Piolo Pascual at Marjorie Barretto.

Impressive ang isang linggong palabas na ipinakita. Ang galing-galing ni Angel Aquino na para nang baliw sa sobrang pagmamahal kay Tonton Gutierrez. Ganun din ang KSP niyang anak na ginagampanan ni Julia na unang kita pa lamang kay Miles ay nakaramdam na agad ng pagkasuklam gayong hindi pa niya alam na magkapatid sila sa ama. 

Kontra sa pagkasalbahe ng mag-ina ang ugali ng mag-inang Dimples Romana at Miles. 

How I wish na maaga pa ay magpakita na sila ng ngipin para hindi sila apak-apakan ng dalawa, pero ‘yun ang kuwento kaya kailangan kong tanggapin ang klase ng kanilang pangongontrabida at hintayin na lang ang araw na matanggap nila ang kanilang kaparusahan.

Palabas na kahapon ang And I Love You So na nagtatampok din kina Benjie Paras, Jay Manalo, Kenzo Gutierrez at marami pang iba.

Sagot ni Miss Earth 2015, siguradong kakabisaduhin ng mga beki

Miss Earth Philippines, now Miss Earth 2015, Angelia Ong will go down sa kasaysayan ng mga beauty pageant na isa sa kakaunting nagbigay ng napakatalinong sagot sa Q&A portion. 

Buti na lang maganda siya, dahil kahit hindi ay mananalo pa rin siya base sa ibinigay niyang kasagutan sa tanong na kung ano’ng slogan ang maibibigay niya sa susunod na 15 years ng Miss Earth. “We will because we can” ang agad niyang sagot , “All things are possible and feasible if we work together. Yes, we will because we can”. Maraming beki na naman ang kakabisa nito para magamit din nila  sa susunod nilang gay pageant.

Si Angelia ay isang marketing student ng St. Benilde at naunang makoronahan bilang Miss Manila bago pa naging Miss Earth Philippines.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGEL AQUINO

ANGELIA ONG

ATILDE

BENJIE PARAS

CARLA

CARLA ABELLANA

MISS EARTH

MISS EARTH PHILIPPINES

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with