^

PSN Showbiz

Nikki Gil naiyak sa ginawa ni Iya?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May eksena pala sa kasal ni Nikki Gil last month. Ayon sa nag­kuwento, naiyak si Nikki sa ginawa ng best friend niyang si Iya Villania. Pero hindi lang daw basta emotional si Nikki sa ginawa ng best friend na compilation ng mga video at photos ng mga bloopers ng bride. Naiyak daw ito dahil parang nairita at u­mabot pa raw sa binato ni Nikki si Iya dahil nga sa nasabing video presentation na pinanood ng mga bisita ng kasalan ayon sa isang nagkuwento.

Parang napahiya raw kasi si Nikki sa pamilya ng asawa dahil sa mga kinolektang awkward moments niya.

Mismong nasa kasalan ang nagkuwento sa insidente.

Last November lang ikinasal si Nikki sa negosyanteng non-showbiz.

Actually, akala raw siguro ni Iya ay matatawa si Nikki at ang mga bisita nito. Nag-succeed naman daw si Iya sa ilang bisita pero sobrang naapektuhan daw si Nikki.

Benjamin walang label ang relasyon kay Glaiza

Consistent ang sagot ng Kapuso actor na si Benjamin Alves na wala silang relasyon ng kapwa Kapuso actress na si Glaiza de Castro. Lumalabas lang daw sila. Pero inamin naman niya totoong pumapasyal siya sa bahay ng actress. Pero wala talaga siyang klarong sagot sa label or level ng relasyon nila. Though pareho raw silang walang karelasyon ngayon.

Maging ang sinasabing tungkol sa kanila ni Kylie Padilla ay itinanggi ni Benjamin. Ayon sa actor, early this year pa nang lumabas sila ni Kylie pero hanggang ganun lang naman.

Anyway, wala pang next project si Benjamin after ng Beautiful Strangers na katatapos lang last week.

Pero meron naman siyang bagong pinagkakaabalahan. Kahapon ay pumirma si Benjamin ng kontrata bilang bagong mukha ng GMA Network Excellence Award. Kasama siyang nag-iikot sa mga eskuwelahan para maghanap ng mga graduating student na pagkakalooban ng Excellence Award na ang mananalo ay tatanggap ng cash prizes and a plaque.

Bagay na bagay si Benjamin sa pagi­ging ambassador ng Excellence Award ng GMA dahil isa siya sa mga artistang nakatapos ng may honor.

Graduate siya ng English Literature sa University of Guam at Suma Cum Laude.

Answered prayer para kay Benjamin ang pagkakuha sa kanyang ambassador dahil naiisip niya noon kung paano niya magagamit ang kanyang pinag-aralan para makatulong sa masisipag na estudyante.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BEAUTIFUL STRANGERS

BENJAMIN

BENJAMIN ALVES

EXCELLENCE AWARD

IYA

MGA

NIKKI

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with