^

PSN Showbiz

Alma tinatanggihan na ang mga gustong mag-interbyu

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nagpapasalamat si Mark Neumann sa Viva Films dahil kinuha siya bilang isa sa mga talent na binigyan ng movie projects. Puwedeng siya ang susunod na i-launch pagkatapos pasiglahin ang career ni James Reid.

Si Mark ang ka-partner ng isang taga-Viva ring si Shy Carlos sa movie for TV na Tasya Fantasya. Sa TV5 din ito mapapanood bilang Kapatid artist si Mark.

Pero sa ngayon ay isa pa siya sa mga star ng bagong season ng Wattpad Presents kung saan ka-partner siya ni Eula Caballero sa episode na Wrong Number na magsisimula na sa November 30.

Pawang pasasalamat ang dasal ni Mark dahil sa mga sunud-sunod na projects niya sa TV5 at Viva Films.

PAK: Aligaga ngayon si AiAi delas Alas sa nalalapit niyang concert sa Lunes, November 23 na gaganapin sa SM MOA Arena. Ito ‘yung For The Love of Mama na benefit concert niya para sa ipinapatayong simbahan na Kristong Hari sa Commonwealth.

Sabi ni AiAi, pinag-iisipan na raw niyang mag-graduate na sa concert dahil iba na raw ngayon ang takbo ng panahon.

“Nagbabago na ang panahon eh.

“Darating na ang time na magla-last show na ako ng concert.

“Hindi sa show business, pero sa concert, siguro tama na. Kasi, mahirap na ngayon mag-concert eh. Lalo na ngayon na mahirap ang buhay ngayon,” seryosong pahayag ni AiAi.

Kaya pagkatapos nitong For The Love of Mama concert niya, maaring ang kasunod na malaking concert niya ay iyun na ang last dahil tingin daw niya graduate na siya sa pagku-concert.

“Gagawa talaga ako ng bonggang-bongga, last na iyun. Mala-Madonna lang ang dating. Dapat nga si Madonna last na ‘nya ‘yun eh,” sabi pa ng Kapuso Comedy Queen.

BOOM: Hindi pala natuloy ang guesting ni Alma Moreno sa Gandang Gabi Vice.

Sa ngayon ay out of town ang konsehal ng Parañaque kasama ang mga anak niya.

Sobrang apektado raw siya sa nangyaring interview sa kanya ni Karen Davila kaya hindi pa ito handa.

Pero sabi ng ilang staff ni Alma, dahil sa nag-viral na interview sa kanya ni Karen ay pinagpiyestahan pa rin siya hanggang ngayon sa social media. Kaya lalong dumami raw ang tumatawag sa kanila na i-guest ito sa mga talk show. Pero tinanggihan ito lahat ni Alma dahil hindi pa raw siya handang lumabas uli para magpa-interview.

vuukle comment

ACIRC

ALMA MORENO

ANG

CONCERT

EULA CABALLERO

FOR THE LOVE OF MAMA

NGAYON

PERO

SIYA

STRONG

VIVA FILMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with