^

PSN Showbiz

Richard babalik sa Panday

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Matagal-tagal ding panahong nabakante sa paggawa ng teleserye ang kakambal ni Raymond Gutierrez na si Richard Gutierrez matapos mag-expire ang kontrata nito sa bakuran ng GMA some three years or so ago.

Pero hindi magtatagal at muling babalik sa isang bagong teleserye si Richard bilang pangunahing bituin ng TV remake ng Panday ang klasikong character na pinasikat ng yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr.

Si Richard ang nagbida sa TV remake ng Captain Barbell sa bakurang ng GMA in 2011.

Chiz at Heart naiipit sa dalawang kandidato!

Tila naiipit ang mag-asawang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista sa dalawang presidentiables na sina Sen. Grace Poe at Sen. Miriam Defensor Santiago na parehong malapit sa kanilang mga puso.

Everybody knows na malaki ang naging papel ni Sen. Miriam kung paano nagkakilala at nagkalapit sina Sen. Chiz at Heart hanggang sa sila’y naging magkasintahan and eventually naging mag-asawa.

Si Sen. Chiz ang running mate ni Sen. Grace Poe at natural lamang na si Sen. Grace ang suportahan nilang mag-asawa.

Ngayong nagdeklara na rin si Sen. Miriam ng kanyang kandidatura sa pagka-pangulo, hindi nito makukuha ang suporta nina Sen. Chiz at Heart. Sa halip, ang mommy ni Heart na si Gng. Cecile Ongpauco ang supporter ni Sen. Miriam at ito’y nirerespeto ng mag-asawang Sen. Chiz at Heart.

Sinabi rin ni Heart na kahit si Sen. Grace Poe ang kanilang susuportahan na mag-asawa, hindi naman daw ito nangangahulugan na hindi na nila pinahahalagahan ang kanilang pagmamahal at respeto kay Sen. Miriam outside politics.

Grace matatas mag-Tagalog

Marami ang humanga kay Sen. Grace Poe nang ito’y maging panauhin nina Karen Davila, Vic Lima, Anthony Taberna, at Gerry Baja sa kanilang joint special teleradio interview last Wednesday sa kanilang Ikaw Na Ba? segment.

Kung buhay pa sana si FPJ (Fernando Poe, Jr.), tiyak na super proud ito sa kanilang anak ng movie queen na si Susan Roces dahil bukod sa matalino, napaka-simple at napaka-gounded ng senadora that endears her to the public.

vuukle comment

ANG

ANTHONY TABERNA

CAPTAIN BARBELL

CECILE ONGPAUCO

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

FERNANDO POE

GERRY BAJA

GRACE POE

HEART

SEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with