^

PSN Showbiz

Tingin daw niya ay nasulsulan lang Joey ayaw patulan ang mga Muslim!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Lungkot-lungkutan ang drama ni Maine Mendoza sa Eat Bulaga kahapon dahil sa na-hack pala ang Twitter account niya.

Nagparating pa ng mensahe si Lola Nidora na ang social media account ay parang tahanan mo na rin na hindi puwedeng panghimasukan. Hindi rin siya napasaya ni Alden Richards.

Pagkatapos ng Eat Bulaga, nag-post na si Maine na okay na raw ang Twitter niya at Instagram account.

Ang Facebook account daw niya ang na-deactivate dahil sa kagagawan ng hackers.

PAK: Dati ay kinakarir nina Congresswoman Lani Mercado ang maglagay ng decoration at mga pagimik tuwing Hallo­ween, pero ngayon ay hindi na.

Magmula nang napiit sa Camp Crame si Sen. Bong Revilla, hindi na pala naglalagay ng decorations si Lani sa kanilang tahanan.

Kahit Christmas decors ay ayaw na raw niya hangga’t hindi pa nakakauwi si Sen. Bong.

Kahit halos araw-araw nilang nadadalaw si Sen. Bong sa Crame, nami-miss pa rin daw nila sa kanilang tahanan, lalo na raw ang boses nitong nanggugulat sa kanila.

Sa sobrang pagka-miss ni Lani sa kanyang asawa, pati sa ginawa nilang kalyeserye na drama sa munisipyo ng Bacoor nung nakaraang linggo ay bahagi pa rin si Sen. Bong.

Ginawa nilang si Alden ang standee ni Sen. Bong, at si Lani naman ang nag-Yaya Dub

BOOM: Ipinagkibit-balikat na lang ni Tito Sotto at Joey de Leon ang reklamo ng ilang grupo ng mga Muslim sa suot nila sa Halloween episode ng Eat Bulaga nung nakaraang Sabado.

Sinagot na ito ni Sen. Tito Sotto kahapon pero si Tito Joey ay dedma lang.

Wala raw silang balak na mag-apologize. Mas mabuting basahin na lang daw ang pahayag ni Robin Padilla kaugnay sa isyung iyon.

Lumabas sa isang blog na merong pahayag si Robin sa kanyang Facebook account tungkol sa nasabing isyu.

Bahagi ng pahayag nito; “Mag-ingat tayo mga kapatid sa pagpukol ng puna at bato baka bumalik sa mukha natin at mawalan tayo ng mga mukha. Ang Muslim ay hindi Arabo, ang Islam ay mula sa Allah at tanging pag-uugali lamang ng pro­peta Muhamad(saw) ang basehan ng ating pagka-Muslim, hindi kailanman kasuotan.”

Sabi pa ni Tito Joey, wala raw siyang iti-tweet tungkol sa ganung isyu. Tingin daw niya meron lang nagsulsol at na-misinterpret ang sinuot at ginawa nila sa Eat Bulaga.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ANG FACEBOOK

ANG MUSLIM

BONG REVILLA

CAMP CRAME

EAT BULAGA

LANI

TITO JOEY

TITO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with