^

PSN Showbiz

Pahinga muna sa GF Gerald ikinandado muna ang puso!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay nabanggit ni Maja Salvador sa isang pahayag na nakahanda na siyang makausap at maging kaibigan muli ang dating kasintahan na si Gerald Anderson.

Nagbigay naman ng reaksyon si Gerald sa aming programang Tonight with Boy Abunda tungkol sa sinabi ng aktres. “Oo naman, Tito Boy. Yes, lalo na ‘pag nagkikita po kami. Hindi po biro ‘yung pinagdaanan namin and we’ve fought so many wars together. Kung mayroon pong opportunity to say something, make things better, I would,” makahulugang pahayag ni Gerald.

Pinabulaanan din ng aktor ang napabalita noon na hindi boto diumano ang kanyang ina kay Maja. “Tito Boy, ‘yung mom ko is very Filipina. Kumbaga, conservative, ‘yung values niya iba, probin­syana pa. She found a way, siya po mismo ang nag-effort para maging close sila at magkaroon ng bond,” paglilinaw ni Gerald.

Ngayon ay wala pang bagong kasintahan ang aktor at hindi pa raw handang umibig muli. “Nakakandado pa (ang puso). Hindi ho Tito Boy, because I don’t want to be the same partner as I was before. I want to be a better partner, a better person. Siguro it’s just going to take time. I’m learning from all the failure, ‘yung mga mali na nagawa ko,” paliwanag ng binata.

Kahit taon silang hindi nagkita, Jolina si Juday pa rin ang best friend

Madalas na nagkakausap sina Jolina Magda­ngal at Judy Ann Santos tungkol sa pagiging ina sa kanya-kanyang mga anak.

Bukod sa pagiging magulang ay marami pang ibang bagay ang napag-uusapan ng magkaibigan sa tuwing nagkikita. Matalik na kaibigan daw talaga ang turingan ng dalawa kahit hindi masyadong nagkikita at nagkakasama. “Kasi ang best friend para sa akin, hindi kailangan lagi mong kasama eh. Ang best friend para sa akin ‘yung kahit hindi mo kasama pero anytime na kaila­ngan mo ng kausap o magkita kayo, may reconnection na nangyayari,” paliwanag ni Jolina.

Samantala, nakatagpo rin daw ang aktres ng mga bagong kaibigan sa showbiz dahil sa Your Face Sounds Familiar season 1 kung saan ay isa sa mga contestants si Jolina. “Hindi ko akalain na magiging gano’n kami ka-close hanggang ngayon. May Boracay pa kami (ngayong November),” pagbabahagi ng aktres.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BOY ABUNDA

GERALD ANDERSON

HINDI

JOLINA

JOLINA MAGDA

JUDY ANN SANTOS

MAJA SALVADOR

MAY BORACAY

TITO BOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with