^

PSN Showbiz

Shaina sabit sa LQ nina Matteo at Sarah?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – True kayang si Shaina Magdayao ang rason kaya sinasabing nagkakalabuan na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo?

Ang sabi, na-enjoy nina Shaina at Matteo ang isa’t isa sa taping ng Cinema One show nila na Single/Single. Nagpaka-single nga raw si Matteo kaya ganun. “Baka naman nadala lang sila sa kuwento,” sabi ng isang nag-text tungkol sa isyu.

Housemates ang role nila sa Single/Single na napapanood every Saturday, 8:00 p.m. sa Cinema One.

Matagal-tagal na ring nababalitang nagkaka-problema sina Sarah and Matteo. Wala naman nagsasalita sa kanila dahil pareho silang iwas na iwas pag-usapan ang tungkol dito.

Pero tingnan natin kung magsasalita si Sarah dahil may presscon siya next week para sa kanyang concert sa Araneta Coliseum sa December 4. Mauuna muna ang concert ni Matteo pero nang mag-presscon siya, wala siyang nabanggit tungkol sa sitsit na problema nila ng girlfriend.
Magsalita naman kaya si Shaina tungkol dito? Eh wala siyang show, except for Single/Single.

Jadine and Kathniel nangunguna sa Push Awards

Klinaro ng Push.com na hindi lang para sa Kapamilya stars ang Push Awards na magaganap sa November 10.

Bagama’t nanguna sa sa list of nominess ang Kathniel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla) and JaDine (James Reid and Nadine Lustre) na parehong nominated sa apat na kategorya – Most Liked Group or Tandem for PUSHLike (Facebook), Most Liked Group or Tandem for PUSHTweet (Twitter) for PUSHGram (Instagram) and Best Group or Tandem for PUSHPlay (YouTube), nasa ibang kategorya naman daw ang Kapuso stars na si Marian Rivera at maging ang sikat na AlDub.

Paramihan ng boto ng fans sa social media accounts kaya kailangan talagang magsipag ang fans para manalo ang kanilang mga idolo.

Makaka-tandem this year ng Push and PLDT Home bilang official broadband partner. “We are very excited about the partnership where PLDT HOME DSL, the country’s #1 home broadband, can ensure that avid fans of celebrities features in this year’s Push Awards will be able to get their daily dose of their Philippine entertainment,” pahayag ni Ms. Gary Dujali, PLDT VP and Marketing Head.

As part of the partnership and treat na rin sa fans and their families, PLDT HOME will also giving away tickets to lucky fans for exclusive seats sa nasabing event baka i-like lang ang @PLDTHome sa Facebook, Twitter and Instagram by using HOMEDSLxPUSHAWARDS.

Ayon naman sa ABS-CBN chief digital officer Donald Lim, the partnership recognizes the importance of social media, connectivity and the role of entertainment for the Filipino families.

Marian todo buyangyang na kay Maria Letizia

Hindi nagdalawang-isip ang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na sumalang sa pictorial ng isang magazine kahit pa nakalabas ang kanyang tiyan. Say ng Primetime Queen, kung mayroon daw isang bagay na masasabi niyang proud siya, ito ay ang pagiging isang ina. At ilang linggo na nga lang ay masisilayan na nila ni Dingdong Dantes ang kanilang unica hija si Maria Letizia. 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARANETA COLISEUM

BEST GROUP

CINEMA ONE

DINGDONG DANTES

DONALD LIM

MARIA LETIZIA

MATTEO

MOST LIKED GROUP

PUSH AWARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with